Pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Bulacan, dahil sa kapabayaan ng mga brgy. opisyal

0
122
An opinion column by Louie C. Angeles

DAHIL sa labis na kawalan ng disiplina ng bawat mamamayan na parang alang takot sa malaking banta sa kalusugan nila ang Covid-19.  

Ito ang pangunahing dahilan kung kaya’t mabilis ang naging pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan ng Bulacan. At ang labis na kaluwagan ng mga barangay opisytal na kahit bata ay pinababayaan na ng mga magulang na maglaro sa lansangan ng walang face mask.

Labis na dumepende ang mga opisyal ng barangay kung ano ang ipag-utos ng mayor at gobernador. Samantalang dapat ang mga barangay ang unang dumidisiplina sa kanilang mamamayan. At batid naman nila ang pagkakaroon ng iba’t-ibang panibagong variant ng Covid-19 na siya ngayong pumipinsala sa kalusugan ng tao.

Sa bahagi naman ng ilang pamahalaang bayan at siyudad, dapat na masuheto nila ang mga kapitan ng barangay sa hindi pagsunod sa tamang pagpapatupad ng health protocol.

Sa pamamagitan ng AITF sa bawat bayan at siyudad ay maari nilang sitahin ang mga ka-barangay na hindi sumusunod sa pagsusuot ng face mask at face shield.

Hindi ba kakayanin ng local government unit na magkaloob ng face mask at face shield para walang dahilan ang isang mamamayan na wala silang pambili ng mga ito.

Hindi ba dapat na ang mga kinatawan ng DILG sa bawa’t bayan at siyudad ay mag-trabaho at kasuhan o kastiguhin ang mga kapitan na hindi nagpapatupad para disiplinahin ang mga magulang na pinapayagan ang kanilang anak na maglaro sa lansangan?

Kung tuluyang walang gagawing pagdidisiplina ang DILG sa lahat ng mga lokal na pamahalaan ay hindi talaga magiging agresibo ang mga halal na opisyal na kumilos para bawalan ang mga mamamayang hindi sumusunod sa health protocol na pinapatupad ng IATF national.

Hanggang kailan ba susunod ang tao sa nasabing kautusan ng IATF? Kapag sila ay tinamaan na ng nasabing sakit?  

Hindi ba’t dagdag pasakit ang mamamayang nag-positibo sa Covid-10 dahil sa hindi nila pagtalima sa pagsusuot ng face mask at face shield.

Kaya natin nasabing pasakit, dahil sa oras na magka-Covid-19 sila ay problema pa rin ng namumuno kung paano sila mabibigyan ng tulong sa kanilang pagpapagamot at maging mga kapamilya ay baka mahawa din sa nakamamatay na virus. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here