Home News Report Pagtaas ng umento sa sahod inanunsyo ng DBM

Pagtaas ng umento sa sahod inanunsyo ng DBM

481
0
SHARE

INANUNSYO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang magandang balita  sa mga kawani ng pamahalaan sa pagpasok ng 2018.

Ayon sa ahensya, asahan na  ang pagtaas sa sahod ng mga government workers sa pagpapatupad ng ikatlong tranche ng Salary Standardization Law of 2015.

Aabot sa P24 billion ang inilaan para sa government employees salary increase na nakapaloob sa 2018 proposed budget.

Tinatayang nasa1.2 million mga empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa third tranche ng salary hike.

Saklaw ng compensation increase ang mga nagtatrabaho sa Executive, Legislative at nasa Judiciary, gayundin ang mga state universities and colleges (SUCs).

Kabilang sa makikinabang rito si Pangulong Rodrigo R. Duterte na mula sa kasalukuyang P222,270.00, magiging P298,083.00 na ang buwanang sahod mula January 2018. (RBON)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here