Home Pilantik ‘Pakpak ng Agila’ muling papagaspas!

‘Pakpak ng Agila’ muling papagaspas!

38
0
SHARE

BAGO po natin tuluyang talakayin ang tunay na nilalaman at kabuuan ng artikulong ito ay hayaan po muna ninyong aking pasadahan ang isa sa hindi magandang nangyayari sa kasalukuyan dito sa ating lipunan, sapagkat ang pangyayaring ito ay hindi rin po malayong mangyari dito sa ating lalawigan pag,katapos ng nalalapit na halalan.

Parang kaylan lang ng ating idaos ang pambansang halalan, isang halalang maituturing na mapayapa at tahimik, sapagkat “bukas palad at kababaang loob” na tinanggap ng mga hindi pinalad na manalo ang kanilang pagkatalo, maliban po sa nag-iisang kandidatong talunan na hanggang sa kadalukuyan ay pinapipilitang siya ang nagwagi sa nasabing halalan at hindi ang ngayon ay nakapusisyon at ikalawa sa mataas na pusisyon na umuugit sa ating pamahalaan.

Marahil naman po ay hindi ko na kinakailangan pang banggitin pa sapagkat hindi naman po lingid sa kaalaman ng buong bansa kung sino ang taong ito na aking tinutukoy. Isang taong hindi yata marunong tumanggap ng pagkatalo na ngayon ay siyang nagpapagulo sa takbo na pulitika at pamumulitiko. Isang pangyayaring hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan ng ating mga kababayan sa kabila na wala namang kahihinatnan ang ginagawang paghahabol nitong taobg naghahabol. Paghahabol na hindi na marahil nangyari kung ang “UTAK AT PASIMUNO” nito ay marunong ding tumanggap at totoong kumikilala sa ipinag-uutos ng batas.

Naturingan pa namang abogado subalit kung ating susuriin at pag-aaralan lilitaw na siya nga at wala ng iba ang siyang may pakana at utak ng kaguluhang ito sa dahilang ayaw na ayaw niyang masalin ang kanyang korona at trono sa taong hindi niya kaalyado.

Marahil naman po ay malinaw na sa inyo kung sino po ang taong tinutukoy ni PILANTIK. At katulad po ng ating pambungad na pananalita, ang nangyayari ngayon doon sa itaas ay hindi rin malayong mangyari dito sa ibaba. Isang paalala sa mga kalalawigan.

Samantala ay pansamantala muna nating ibahin ang tema ng usapan at ating bigyang pansin itong usap-usapan dito sa ating Lalawigan, ang muling pagpagaspas ng PAKPAK NG AGILA.

Tandang- tanda ko pa at kaylan man ay hindi mawawaglit sa aking isipan ang aking mga nasaksihan sa panahon ng aking pagbibinata, ng may isang taong inihandog ang kanyang sarili upang maglingkod sa abot ng ng kanyang makakaya para sa kanyang kalalawigan dito Bulacan. Ang tinutukoy po ni PILANTIK ay dili at walang iba kundi ang tinaguriang AGILA NG BULACAN sa katauhan ni Hon. Teodulo Natividad. Isang po si Manong Teddy Natividad sa mga pulitikong hindi nakalasap ng pagkatalo sapul ng kanyang pasukin ang larangan ng pulitika. Sa mga panahon po ng kanyang panunungkulan bilang Assembly Man o Deputado sa kongreso, ni isa sa kanyang mga kababayan ang kinaringgan na siya ay umabuso sa katungkulan.

Si Teodulo Natividad ay ang taong may puso at laging handang dinggin ang hinaing ng kanyang kababayan at kalalawigan, at palaging naroroon kung saan ang kanyang pagtulong at pagkalinga ay kinakailangan.

Nabanggit ni PILANTIK ang mga bagay at pangyayaring ito dala ng mga bagay-bagay na ipinakikita at ipinadadama sa kanyang mga kababayan ng kanyang Anak na si Hon. Mayor Atty. Christian Natividad ng Lungsod ng Malolos. Mag-ama po ang dalawang tinaguriang mga AGILA. Katulad po ni Manong Teddy hindi rin po dumanas ng pagkatalo ang nakababatang AGILA sa larangan ng pullitika, isang pagpapatunay na kung ANO ANG PUNO AY SIYA RING BUNGA.

Sa mahabang panahon ng pamamagaspas sa kanyang tagumpay, pinatunayan ni Mayor Christian na lahat ng kanyang ini-aalay sa kanyang mga kababayan, muling mabubuhay ang lahat ng magagandang ala-alang iniwanan ng orihinal na AGILA NG BULACAN na nag- iisa niyang AMANG minamahal.

Sa katauhan ni Mayor Christian Natividad , buo ang paniniwala ng bawat isang Bulakenyo na muling papagaspas ang pakpak ng ANAK NG AGILA upang iahon sa kahirapan ang mga maralita niyang kababayan at kalalawigan , at ang katahimikan ng ating kapaligiran maging ng ating mga kalooban,

Ako po bilang isang manunulat bilang isang kolumnista sa ibat- ibang lokal na pahayagan dito sa ating lalawigan ay naniniwala rin sa kalidad ng panunungkulan ni Mayor Christian lalo’ t higit kung mahahalal na Punong Lalawigan o GOBERNADOR NG BULACAN.

Hon. Mayor Atty. Christian D. Natividad, ituloy ang laban alang-alang sa mga taong nananalig sa inyong dakilang layunin para sa lalawigan at kababayan.Umasa po kayo na hindi namin kayo pababayaan. Kasama mo po kami sa muling pagpagaspas ng inyong mga pakpak.

Mabuhay ka Mayor Atty. Christian “Agila” D. Natividad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here