Home News Report Palitan ng lumang pera, pinalawig ng BSP hanggang Disyembre 29, 2017

Palitan ng lumang pera, pinalawig ng BSP hanggang Disyembre 29, 2017

4337
16
SHARE

MULING ipinaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hanggang Disyembre 29, 2017 na lamang nila maaaring palitan ang mga itinatago nilang lumang serye ng salaping papel na inilunsad noong 1985.

Sa  inilabas na advisory ng BSP, maaari lamang mag-palit ng mga lumang pera sa cash departments sa Maynila at Quezon City.

Maari ring magpalit sa kanilang mga regional offices at iba pang sangay ng BSP sa mga lalawigan

Nilinaw ng ahensya na walang bayad ang gagawing pagpapapalit ng mga lumang pera.

Bunsod nito’y nagpaalala ang BSP na hanggang 100 libo piso lamang ang maaaring papalitan sa bawat transaksyon.

Maaari rin naman anilang magpapalit ng higit pa sa 100 libong piso pero  ito’y sa pamamagitan lamang ng tseke o ng direct credit sa bank account ng taong nagpapapalit.

Matatandaang kamakailan lamang nagpasya ang BSP na palawigin pa ang deadline sa pagpapalit ng mga lumang pera hanggang sa susunod na buwan bilang tugon sa maraming kahilingan na kanilang natatanggap.

 

16 COMMENTS

  1. Good morning po ask ko lng po baka pwede pa mag pa palit ng lumang pera, Kasi po my nakita po aq sa nakatagong wallet ko lumang pera 1k po sayang naman pang bili parin po ng bigas un.

    • Pwede pa po ba palitang tong 1k ko kase kakakita ko lng po sa damitan ko sayang po pambili na din po ng gatas ng baby ko

  2. As of this time, baka po mabigyan pa nang pagkakataon yung mga tao na mapalitan pa po yung mga lumang serye, kc po pinaghirapan naman po ang perang iyon, at parang nawalan na din kung wala nang silbi, alam po namin na nag bigay nang deadline pero bakit po kc palaging nagbabago ang mga pera natin, sana po matugunan itung munting hiling namin.

  3. Sana po mgbgay po uli kyo ng extension ngaun taon n ito marami p po kc me nkuha lumang pera. Sayang nman po ito 60k kun mawalan ng silbi..

  4. Sana po mgbgay po uli kyo ng extension ngaun taon n ito marami p po kc me nkuha lumang pera. Sayang nman po ito 60k kun mawalan ng silbi..

  5. May 31 pa poh ako libo pwde pa poh ba palitan.sayang naman poh kc kong.dina magamit.sanay nagkaroon pa poh nang extension para poh mapalitan pa ang mga luma pera.

  6. Blessed Day po ask ko lang po kung pwede ko pa po papalitan yun 2k ng tatay ko na nakita ko po sa closet nya.
    Patay na po kasi ang tatay ko ng makita ko ito.
    Marami pong slamat and God bless you all.
    Please reply para di po ako umasa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here