Pamimigay ng SAP cash subsidy sa Pandi, kahanga-hanga!

0
165

TUNAY na kahanga-hanga ang pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Pandienyo dahil sistematiko, nasa ayos at nasunod ang social distancing na pinaiiral laban sa coronavirus.

Sa pangangasiwa ng butihing alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Rico Roque, personal niyang inalalayan ang mga benipersaryo ng SAP lalo yung mga senior citizen na mapanatili ang kaayusan at ang pagpapairal ng social distance.

Wala itong sawa sa pagpapa-alala sa mga Pandienyo na panatilihin ang social distancing para maiwasan ang paghawa-hawa ng sakit na coronavirus.

Hindi katulad sa ibang bayan o lungsod na kapag dumating ang araw ng distribusyon ng SAP ay talaga namang hindi na pinaiiral ang social distancing at halos magkakatabi na at nag-uunahan na makakuha ng ayuda.

Sa inisyal na dalawang barangay na naunang binigyan ng mga hindi nakatanggap noong unang ayuda na SAP — ang Brgy. Malibong Bata at Real de Cacarong, umabot sa 762 beneficiaries ang nasa ayos na kumumuha ng ayudang SAP mula sa mga representante ng DSWD.

Nakuha pa itong puntahan nina DSWD Undersecretary Danilo G. Pamonag, Dir Andrew J. Ambubuyog, Dir Gemma B. Gabuya, Dir Ferdinand Budeng at Assistant Regional Director for Operations Lalaine R. De Leon upang mag-obserba sa pamamaraan ng pay-out sa mga beneficiaries ng SAP sa mga barangay sa Pandi.

Ito ang pagpapatunay na kahit sila ay humanga kung paano ipamahagi ng mga namumuno sa Pandi ang cash subsidy na SAP.

At idinagdag din ni Mayor Roque ang tunay na kuwento kung bakit lumaki at nadagdagan ang mga beneficiaries ng SAP sa bayan ng Pandi.

Nag-request umano ang alkalde sa pamamagitan ng isang liham kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa karagdagang 15,000 beneficiaries at sa kabutihang loob umano ng Pangulo at pinagkaloob ang Pandi ng 25,750 na additional beneficiaries.

Dahil sa masugid na pag-follow-up ng alkalde ay pinagbigyan ng Pangulo ang kanyang hinihingi.  

Kaya ganun na lamang ang saya ni Mayor Rico nang pagbigyan ng Pangulo ang kanyang hiling na para sa mamamayan ng Pandi.

Kaya sa bayan ng Pandi, lahat nagkaroon ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy. Nakarehistro man o hindi. Taga-Pandi man o inabot lang ng quarantine sa Pandi. Walang naiwanan. Lahat ay masaya!

Mabuhay kay Mayor Rico at Mabuhay ang Bayan ng Pandi!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here