Home EXTRAFONTS Panahon na naman nang tag-ulan

Panahon na naman nang tag-ulan

70
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

ANG Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical and Services Administration (PAGASA) ang ahensiya ng pamahalaan ang opisyal na nagdedeklara ng panahon tag-ulan.

Ang deklarasyon ng Pagasa ay ibinabase kapag may namataan ang kanilang mga radar ng pamumuo ng sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa Pacific Ocean o sa West Philippine Sea man ngayong buwan ng Hunyo.

May ulat kasi ang weather bureau na apat na bagyo ang posibleng pumasok Philippine Area of Responsibility (PAR) at dalawa sa mga ito ang inaasahang papasok sa Central Luzon at ang dalawa naman ay maaaring lumiko palabas ng PAR.

Hindi naman 100 percent na nagiging positibo ang resulta sa pagtaya sa kalagayan ng bagyo dahil pabagu-bago ang direksiyon nito habang papasok ng PAR kaya puwede rin na tumaas ang direksiyong tatahakin ng bagyo na ang karaniwang tinutumbok ay ang northern Luzon.

Sa totoo lang, hindi naman ang mismong bagyo ang nagdudulot ng malaking problema sa mamamayan tuwing panahon ng tag-ulan kungdi ang epekto ng habagat (southwest moonson). Ang bagyo ang humahatak sa habagat na taglay ang malalakas at matagal na pag- ulan na umaabot ng ilang araw o siyam-siyam.

Oo nga’t malaking tulong sa mga magsasaka ang ulan upang makapagtanim sila ng palay, perwisyo din naman ito sa urban areas lalo na ang mabababang lugar na palaging binabaha.

Kaya nangyayari ang kalamidad tuwing bumabayo ang habagat. Marami ng pangyayari ang naitala na maraming lugar ang lumubog sanhi ng matagal na pag-ulan. Maging ang transportasyon ay apektado ng malalim na baha at sinisira din ng baha ang mga pananim na palay.

Dito sa Bulacan, ang mga bayan at mga siyudad na hindi nakakalibre sa baha tuwing tag-ulan ay ang mga sumusunod: Obando, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao at mga siyudad ng Malolos at Meycauayan. Ang mga bayan ng Calumpit, Pulilan, Paombong at Hagonoy ay nakararanas din ng pagbaha makaraan ang habagat na kung tawagin ay ‘backflood’, kung saan ang malaking volume ng tubig na nanggagaling Nueva Ecija at Pampanga ay humuhugos sa naturang mga bayan.

Kaya gawin ang ibayong pag-iingat ngayong panahon ng tag-ulan at panahon din ng masidhing habagat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKongreso ng Malolos ang nagbigay ng bisa sa Hunyo 12 — SGMA
Next articlePrebelehiyo at hindi kapangyarihan ang malayang pamamamahayag
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here