Home News Report Panawagan ng KWF: Ulirang Guro sa Filipino 2018

Panawagan ng KWF: Ulirang Guro sa Filipino 2018

327
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan pagkakataon na ito ng mga guro na makiisa o makilahok sa Ulirang Guro sa Filipino.

Ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro na ginagamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo.

Alinsunod sa layunin ng KWF na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, mga grant, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na makilala at mabgyan ng parangal ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.

Batid naman ng lahat na Guro ang pundasyon ng sibilisasyon, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Filipino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina, saan mang rehiyon sila nagmula, at nakapagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, at kayamanang pamana ng bansa.

Kinikilala rin nito ang mga pambihirang gawain ng guro, sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino.

Malaking oportunidad para sa mahuhusay nating mga guro ang ganitong uri ng pagkilala ng KWF.

Mahalagang tulungan po natin ang ibat ibang eskwelahan o paaralan na tumuklas ng mga talentong ito.

Sa ibat-ibang dako ng Pilipinas nakakalat ang mga nakatagong talento ng ating mga kababayan partikular ang mga guro pampubliko man o pribado dangan nga lamang ang karamihan sa kanila ay walang sapat na pabahon para makasunod sa kinakailangang dokumento.

Subalit hindi nagsasara ng pintuan ang Komisyon ng Wikang Filipino bukas po sila sa pagtanggap ng inyong mga nominasyon.

Bukod dito may iba pang paraan ang KWF para humanap ng mga mahuhusay na manunulat, partikular sa paggawa ng Tula,Maikling Kwento,Sanaysay,at desertasyon,at iba pang uri ng panulat.

Kailangan natin na mapanatili ang angking husay at galing sa larangan ng akademya.

Upang masundan ng mga bagong henerasyon ng mga Kabataan na karamihan sa kanila ay namulat na sa makabagog teknolohiya tulad ng computer at iba pa.

Dapat mapanatili ng mga kabataan ang pagiging malikhain,mausisa,sa mga bagay na may kinalaman sa buhay ng isang indibidwal upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here