Home Bayanihan ng Bayan YES FOR PEACE Panawagan ni Pangulong Duterte na maging inclusive ang BBL,  naaayon at napapanahong...

Panawagan ni Pangulong Duterte na maging inclusive ang BBL,  naaayon at napapanahong solusyon sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao at sa Pilipinas

100
0
SHARE

KAMAKAILAN, isang bagong istilo ng pagpapahayag ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o PDU30 sa harap ng libo-lbong mga nagsidalo sa Bangsamoro Assembly sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kapuna-puna na hindi nabanggit ni PDU30 ang problema sa droga.  Wala ni isang mura na naging signature ng kanyang mga speeches ang namutawi sa kanyang mga labi. Wala rin siyang nasabing joke na maaring mapagkamalang seryosong statement.

Inamin ng PDU30 na hindi niya mahahayaang mahati ang Republika ng Pilipinas bagaman at nasabi niya na ang pangalan mismong ito ay simbolo ng imperyalismo at dapat palitan ng mga susunod na mga henerasyon para maituwid ang isang pagkakamali n gating kasaysayan at mapatunayan natin na tunay na nga tayong Malaya bilang isang bansa.

Inanim din ni PDU30 na hindi niya alam kung sino ang kanyang papanigan – Muslim, Kristiyano o Lumad – sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao dahil isa siyang Kristiyano na may mga ninumong Muslim na kumikilala sa mga karapatan ng mga Lumad.

Dahil dito, idineklara ni PDU30 ang kanyang pananaw na kailangang maging inclusive ang BBL. Sa madaling sabi, dapat nitong salaminin ang interes ng lahat ng mga taga-Mindanao. Kasama na rito ang Moro Islamic Liberation Front  na pinamumunuan ni Al Haj Murad, ng Moro National Liberation Front sa ilalim ng pamumuno ni Nur Misuari, ng mga Kristiyano at ng ibat-ibang tribo ng mga Lumad.

Nangako si PDU30 na pakiki-usapan niya nag Kongreso na magbigay ng kaukulang oras para pakinggan ang mga tag-Mindanao para maitama ang mga inhustisyang dulot ng kasaysayan at para mapanatiling buo ang Republika.

Kung hindi man daw kayang gawin yun, nangako siya na kasama siyang maghahanap ng paraan para mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng mga taga-Mindanao. Ayaw niyang masundan pa ang mga mararahas na karanasan ng Lebanon, Syria at iba pang mga bansang kinain ng karahasang dulot ng hindi pagkakaisa at ng mga terorista.

Napapanahon na at naaayon sa aktuwal na problema ang panukala ni PDU30.  Kailangan nang makakasali ang pangkaraniwang mga mamamayan sa pagtukloy ng solusyon sa ating mga problema bilang isang Sambayanan. Maaring maging matagal ang proseso pero anuman ang mangyari, darating at darating din ang panahon at maitutuwid na natyin ang mga pagkakamali ng kasaysayan.

Sa ngayon, sigurado tayo ang panukala ni PDU30 ay isang hakbang tungo sa katuparan ng mga adhikain ng Yes for Peace – Bayanihan ng Bayan natin bagaman at sigurado tayo na hanggang sa araw na ito, hindi pa naipararating ni Secretary Jesus Dureza kay PDU30 ang mungkahi natin na maging inclusive at participative ang comprehensive peace process dahil hanggang sa ngayon ay “pinag-aaralan” pa rin ni Director Bong Jovita ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang kahalagahan ng partisipasyon ng 15 Million mga KaBayanihan ng Bayan para sa katuparan ng mga peace and development agenda ni PDU30.

Director Bong, kung ayaw mong mkinig sa amin, sana napakinggan mo ang sabi ng Presidente naming si PDU30, “Mahalaga ang partipasyon ng bawat isang Filipino.”

Sana si PDU30 din ang Pangulo mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here