Home Top Story “Pangangalaga sa Ngipin, Halina at Simulan na Natin,” dinumog ng mga batang...

“Pangangalaga sa Ngipin, Halina at Simulan na Natin,” dinumog ng mga batang Malolenyo

456
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Naging matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng proyektong “Pangangalaga sa Ngipin, Halina at Simulan na Natin!” ng City Government of Malolos at PDA-Bulacan Chapter (Kapisanan ng mga Denstista sa Bulacan o KADEBU) bilang panimula ng Campaign on Oral Health Education, Treatment and Prevention noong Agosto 7, 2017, sa Malolos Sports and Convention Center.

Ang ilang miyembro ng KADEBU sa isang isang photo-ops kasama si Mayor Christian D. Natividad matapos ang naturang proyekto.

Dinumog ng mga batang 1 hanggang 3 taong gulang ang nabanggit na programa mula sa 46 barangay dahil hindi nakasama dito ang 5 coastal barangay,  na target na maisakatuparan ang Flouride Varnish Application for 1,000 kids at Oral Prophylaxis upang mapanatiling maganda, matibay at buo ang ngipin ng mga batang Malolenyo.

Umabot naman sa humigit kumulang 70 dentista na pawang nakabase sa Bulacan ang dumating upang makiisa sa kampanya ng KADEBU.

Kinakapanayam ni Manny D. Balbin ng RONDA Balita Online News ang kasalukuyang pangulo ng PDA-Bulacan chapter o KADEBU na si Dr. Ma. Victoria Cataluña hinggil sa isinasagawang proyekto.

Ayon kay Dr. Dondon A. Bautista, Dentist II, City of Malolos, “simula pa lang ’yan at puede pang madagdagan ang bilang ng mga dentista kapag kami ay nagbara-barangay na.”

Nagsagawa muna ng maikling dental education ang mga dentista para sa ilang mahalagang impormasyon na dapat na tandaan ng mga magulang tungkol sa ngipin ng kanilang mga anak.

Sa pambungad na mensahe ni Dr. Victor A.R. Batanes, City Health Officer II, City of Malolos, nabanggit nito na nagsimula ito sa programa ng Department of Health (DOH) na 1st 1,000 days ng mga bata. Katuwang na nila ngayon ang mga dentista para sa kumpletong pre-natal checkup upang masuri ang developement ng kalusugan ng bata.

Ang isinagawang application of flouride varnish at oral prophylaxis .

“Bago po isagawa ang dental program sa isang bata ay kinikilo muna ang ito upang alamin kung nasa tamang timbang ang kanyang edad at alamin din kung ang bata ay malnourished o hindi,” ani pa Dr. Batanes.

Sa personal na panayam ng RONDA Balita, sa kasalukuyang pangulo ng KADEBU na si Dr. Ma. Victoria Cataluña, tinukoy nito na ang pagpapahid ng flouride varnish sa mga bata ay nagpapatigas sa ngipin upang hindi agad ito masira.

“Bale gagawin ito ng dalawang beses sa isang taon kaya ang susunod na batch ng application of flouride varnish at oral prophylaxis ay gagawin sa February 2018. Bale ang supply ng nasabing flouride ay galing sa DOH,” dagdag pa nito.

Ang isinagawang application of flouride varnish at oral prophylaxis .

Aniya, dito namin inumpisahan ang nabanggit na programa at umaasa kami na magkakaroon din ng parehas na proyekto sa mga ibat ibang bayan dito sa lalawigan ng Bulacan upang makasiguro tayo na cavity-free ang mga batang Bulakenyo.

“Nais kong pasalamatan ang butihing alkalde ng lungsod ng Malolos na si Mayor Christian D. Natividad sa kanyang buong suporta sa aming grupo o sa mga programa ng KADEBU,” pagtatapos ni Dr. Cataluña.

Si Mayor Natividad kasama ang kasalukuyang pangulo ng KADEBU na si Dr. Ma. Victoria Cataluña at ang dating pangulo na si Dr. Teodora T. Daquioag.

Nagbigay naman ng maikling mensahe ang alkalde ng lungsod at inihayag nito ang buong pasasalamat sa ginagawang tulong ng KADEBU sa mga Malolenyo at patuloy umanong magkaroon ng mahaba pang partnership ang KADEBU at Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

“Umasa po ang KADEBU na ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay laging n’yong kasama at katulong sa mga proyektong nais ninyong maisakatuparan. Maraming salamat sa mga iiwan ninyong proyekto na makatutulong sa kapakanan ng malolenyo,” pagtatapos ni Mayor natividad.

Matapos ang application ng flouride at oral prophylaxis, tumanggap naman ang lahat ng dumalong bata ng libreng toothbrush mula sa lapian ng mga dentista.

Ang isinagawang MOA sa pagitan ng mga opisyales ng KADEBU at Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Isang Memorandum of Agreement naman ang nilagdaan ng mga opisyales ng KADEBU at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad para isang pangako na patuloy na magtutuwang sa mga programa ng paglilingkod sa mamamayan.

Natapos ang programa sa isang sama-samang pananghalian sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa nabanggit na proyekto ng Lungsod ng Malolos at PDA-Bulacan Chapter.

Naging masaya naman ang bawat tumugon sa nasabing programa kasabay ng

Ginawaran ng plake si Mayor Christian D. Natividad sa kanyang suporta sa proyekto ng KADEBU.

kahilingang sana ay hindi ito ang maging huling pagkakataon na magkapagbigay ng serbisyo ang grupo sa kanilang bara-barangay.

Ang working committee ng KADEBU Special Project ay pinangungunahan ni Dr. Ma. Victoria T. Cataluña, President, PDA Bulacan Chapter bilang overall chairman katuwang si Dr. Dondon A. Bautista habang special project chairman naman si Dr. Teodora T. Daquioag, dating pangulo ng KADEBU.

Mga larawang kuha para sa RONDA ni RR ELEOGO 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here