Pangarap na pabahay ng mga Pandieño, malapit ng maisakatuparan

0
668
An opinion column by Louie C. Angeles

DAPAT lamang na ipagmalaki ng bawat Pandieños ang labis na kasipagan ni Mayor Enrico Roque dahil higit kumulang sa walong buwan na panunungkulan bilang punong bayan sa Pamahalaang Bayan ng Pandi ay nakamit na niya ang mithiing mabigyan ng bahay ang bawa’t mamamayan ng sariling bahay.

Dahil sa pakikipag-ugnayan ng alkalde sa Department of Interior and Local Goverment (DILG) at National Housing Authority (NHA) ay ipinagkalooban ang Pamahalaang Bayan ng Pandi ng 750 bahay para sa mga kawani ng gobyerno na magbibigay daan para sa maginhawang buhay ng bawat Pandieños lalo na sa mga walang sariling bahay at lupa o ang mga nangungupahan lamang.

Malaking tulong ang pagkakaloob ng DILG at NHA na mga bahay ng gobyerno lalo na ang P50,000,000 million grant para din sa pagpapatayo ng bahay para sa mamamayan ng Pandi.

Maganda ang ganitong proyekto ni Mayor Rico para sa mamamayan ng Pandi dahil malaki na rin ang porsyento ng mga walang bahay na Pandieños.

Kaya maganda rin ang naisip ng alkalde na huwag payagan ang muling pagtatayo ng mga pabahay sa Pandi bagkus na dapat maging prayoridad nalang na maitayo ay pabahay para sa mamamayan ng Pandi.

Huwag din dapat na kainipan ng mga Pandieños ang mga bahay na ipagkakaloob ng pamahalaang bayan katuwang ang mga naturang ahensya ng gobyerno, dahil kapag naipagkaloob na sa pamahalaang bayan ang mga nasabing pabahay ay agad iyong ibibigay sa mga mahihirap na mamamayan ng Pandi.

Nawa ay pahalagahan ito ng mga magiging ‘beneficiary’ ng naturang pabahay upang hindi naman masayang ang ‘effort’ ni Mayor Roque na mabigyan ng masisilungan ang mga walang bahay na Pandieños. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here