Home Katropa Rumoronda Pangarap ni Mayor Rico Roque sa bayan ng Pandi, maisasakatuparan na!

Pangarap ni Mayor Rico Roque sa bayan ng Pandi, maisasakatuparan na!

28
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAGING matahimik at matagumpay ang halalan 2019 sa Lalawigan ng Bulacan. Dito sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ay nagsipagsaya ang mga naniniwala sa kakayahan ng magkabiyak na sina Mayor Arthur at Congresswoman Rida Robes ng manalo ang mga ito sa nakaraang halalan, gayundin sa walang kalaban na si Vice Mayor Efren Bartolome, Jr. Walang duda na ang kaunlarang tinatamasa ng mga naniniwalang San Josenios, sa Administrasyong Robes ay magpapatuloy at higit pang maisasakatuparan ang mga magagandang balakin sa hinaharap.

Gayundin ang pagkapanalo ng makinang na bituin ng bayang Pandi na si Mayor Rico Roque, at ng kanyang Vice Mayor na si Lui Sebastian, ay tinitiyak ng nakararami na ang muling pagbabalik ni Mayor Rico ay maipagpapatuloy ang naunsiyaming kasiglahan, na naranasan ng mga Pandieno, noong siya ay namumuno pa bilang Alkalde. Ngayon ay muli siyang iniluklok ng mga taong naniniwalasa sa kanyang mga pangako at pangarap, ito ay ang ganap na kaunlaran ng bayang Pandi.

Hindi lamang ang mga taumbayan ng bayan ng Pandi at LSJDM ang naghahangad ng ibayong progreso sa kabuhayan at kaayusan ng kalagayan sa kasarilihan, kundi ang buong mamamayan sa mga bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Iyan ay ipagpapatuloy o daragdagan pa ng dobleng sikap ng mga nagsipanalong sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Willy Sy Alvarado. Itong sina Fernando at Alvarado ay madalas na nakasasalamuha ng Katropa, kaya batid natin na sila ay may takot sa ating Panginoon, sila ay pawang maka-Diyos. Matulungin sa kapwa-tao. Kaya umasa tayo sa kanilang ibayong paglilingkod na gagawin para sa lahat ng mamamayan sa Lalawigan ng Bulacan.

Tsk! Tsk! Tsk! Naniniwala ang Katropa sa sinseridad ng mga nabanggit na personalidad. Kaya para kila Governor Fernando, VGov. Alvarado, Mayor Robes at Mayor Roque, nawa ay hindi manlupaypay ang mga umaasang taumbayan sa inyong mga tinurang magagandang salita para sa kanila, noong kayo ay nangangampanya pa. Congratulation sa mga nagsipagwagi nitong nakaraang Halalan 2019. Mabuhay po kayong lahat!

*****
Naalala ko pa nga ang aking panaginip, at ito ay naibida ko sa aking kumpare. Ang panaginip ko ay namumulot ako ng mga diyamante at mga gintong singsing sa lupa na sakop ng isang tila napag-iwanan at napabayaang sementeryo. At ito ay hinalintulad ko sa tunay na pangyayari, posible na ang tinutukoy na lugar ay ang LSJDM, dahil noon ito ay parang kailangan ng lubusan at wastong kaayusan.

Kaya ng maupo sina Mayor Art, Congw Rida Robes at VM Bartolome, Jr., ay nilinis ang pamilihang bayan ng Sampol, na napakasikip at madumi noon, at iba pang lugar sa Lungsod. Ang mga diyamante at ginto ay simbolismo ng mga oportunidad at nakaambang kaunlaran, na sinisikap ng Administrasyong Robes na maisakatuparan at maihandog sa kanilang mga nasasakupan.

Tsk! Tsk! Tsk! Congratulation din sa iyo City Admin Dennis Booth ng LSJDM, dahil sa iyong matapat na paglilingkod, ay napananatili mo ang iyong magandang relasyon sa mga kawani ng City hall, at ang maayos na pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa mga San Josenios na nangangailangan ng iyong ayuda. Mabuhay ka Pare!

Kung may nais kayong ipalathala sa ating malaganap na Katropa kolum ay narito ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here