Panghuhuli sa walang suot na face mask, magtagumpay kaya?

0
131
An opinion column by Louie C. Angeles

GANAP nang isang ordinansa sa buong Lalawigan ng Bulacan ang hindi pagsusuot ng face mask. Paano kaya ganap na maipapatupad ito kung ang ilang opisyal ng barangay o mga tauhan nito at hindi nakakasunod dito, makasunod man at may suot na face mask ay hindi tama ang pagsusuot nito dahil nakalitaw naman ang ilong nila.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 pandemic sa ating lalawigan at halos pumalo na sa mahigit isang libo, ayos lamang na magpatupad ng ganitong ordinansa. Subali’t dapat na may kaakibat na pagtulong sa ilang mamamayan na walang kakayahang bumili ng face mask lalo na ang mga likas na mahihirap na walang trabaho na ang inaasahan lamang ay ang tulong mula sa kanilang kamag-anak at barangay.

Bagama’t layunin din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbigay ng face mask sa lahat ng mamamayan ay paano ba ito ganap na matutugunan ng national na pamahalaan.

Mayroon namang mga lokal na pamahalaan na naglaloob na ng face mask sa kanilang mamamayan tulad ni Mayor Enrico Roque ng Bayan ng Pandi at ilang Punong Bayan sa Bulacan na ang tanging iniisip ay ang kapakanan ng kanilang mamamayan.

Sana bago maipatupad ng bawa’t bayan ang pagpapatupad sa nasabing ordinansa ay mabigyan nila ng face mask ang kanilang mamamayan para walang masabi ang iilan na walang face mask mula sa kanilang lokal na pamahalaan. Dahil ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga para makaiwas sa kinatatakutang virus na COVID 19.

Kung may mahuli at maparusahan dahil sa hindi pagsusuot ng face mask ay hindi na ito kasalanan ng mga barangay opisyal, mayor, gobernador at ilang goverment agency dahil likas na pasaway at matigas ang ulo ng mga mamamayang hindi sumusunod sa batas. Dahil ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask ay para sa kapakanan ng kalusugan ng bawa’t mamamayang Bulakenyo at Pilipino.

Hindi naman kawalan sa atin ang pagtalima sa mga batas na tanging mangangalaga sa kalusugan ng mga kamag-anak natin.

Sana sa mga magpapatupad ng nasabing ordinansa ay huwag maging daan ng pang-aabuso sa panghuhuli at mawala na ang palakasan system.

Ipatupad ng may paggalang sa karapatang pangtao at alang ‘making money’ sa mga mahuhuling lumabag sa naturang ordinansa. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here