Home Bulacan Local News Pangontra sa ASF, ‘boodle fight’ ng lechon inilatag sa Malolos

Pangontra sa ASF, ‘boodle fight’ ng lechon inilatag sa Malolos

209
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Isang “boodle fight” ng lechon at iba pang lutong baboy ang isinagawa ng mga residente, mamimili, meat vendors association at mga government official at empleyado bilang pagpapakita na ligtas kainin at walang African Swine Fever o ASF virus ang mga baboy sa naturang lungsod nitong Miyerkules ng tanghali (Oct. 2).

Iba’t ibang putahe ng lutuing baboy at lechon ang pinagsaluhan sa naganap na boodle fight sa Malolos City Public Market sa Brgy. San Vicente na pinangunahan ng mga opisyal at kasapi ng meat vendors association sa nasabing lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Bebong Gathalian kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Nino Bautista, Konsehal Rico Capule, Konsehal Miguel Carlos Soto, Konsehal Ega Domingo, Konsehal Kiko Castro, at Konsehal Luis Alfonso Arcega na nilahukan din ng lahat ng meat vendors at nagluto ng kanilang mga espes yal na putahe.

“There is no African Swine Fever in the City of Malolos,” ito ang tiniyak ng Mayor Gatchalian matapos siguruhin na maa yos ang kanilang mga karneng baboy mula sa commercial farms at backyards dahil sa suporta ng Department of Agriculture at Provincial at City Veterinary Office.

“Ligtas kainin ang karneng baboy sa ating pamilihang bayan at patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagmo-monitor ng mga piggery sa ating lungsod,” ani alkalde.

Ayon naman sa pangulo ng meat vendors association sa Malolos City Public Market na si Bernardine Pascual: “malaki ang naging epekto ng naturang sakit na ASF sa aming negosyo. Halos wala nang bumubili ng aming mga produktong karne ng baboy”.

‘Bumagsak ng halos 80% ang bentahan ng karneng baboy sa Malolos City Public Market kaya naisipan namin itong gawin (boodle fight) upang maipakita sa publiko na walang sakit ang mga baboy sa Malolos at ligtas itong kainin,” dagdag pa ni Pascual.

Malaki naman ang pasasalamat ng ilang meat vendors sa pangunguna ni Laura Cuyugan, treasurer ng meat vendors association sa pagbibida ng kanilang alkalde upang sagipin ang kanilang kabuhayan na pagbebenta ng mga karneng baboy.

“Hiling namin na sana maiparating sa publiko na ligtas kainin ang karneng baboy sa Malolos at wala itong African Swine Fever o ASF virus,” ani Cuyugan.

Hindi naman magkamayaw ang mga Malolenyo na dumagsa sa naturang “boodle fight” dahil sa sarap at lutong ng lechon baboy na inihain ng mga opisyales at miyembro ng Malolos City meat vendors association.

At iisa ang kanilang naging sigaw: “Malinis ang baboy sa Malolos at walang ASF virus. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here