Pangulong Duterte umamin, hirap sa pagtugon sa COVID-19

0
279
Pangulong Rodrigo R. Duterte, umaming nahihirapan na siya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. (File photo)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan na siya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at katunayan, gusto na niyang maiyak sa harap ng taongbayan.

Ayon sa Pangulo, mistula kasing nag-back-to-zero ang Pilipinas nang muling ipatupad ang lockdown sa ilang lugar sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Bukod dito, pahirapan din umano ang pagbili ng bakuna.

“So ‘yan, it stretches the — a mile long ang — ang journey natin sa paano natin isugpo ang bakuna. That is how hard it is para makakuha lang talaga tayo. Iyon ‘yong ganoon kahirap. Gusto ko na ngang umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko,” pahayag ng Pangulo.

Mistula aniyang dumadaan siya sa purga-toryo dahil sa pagsubok sa COVID-19.

Kung mayroon lamang umanong magic wand si Duterte ay gagamitin niya ito para mawala na ang problema sa COVID-19.

“Alam mo I would be the last person — ako ang pinakahuling tao dito sa Pilipinas na magpapahirap sa Filipino,” pahayag pa niya.

Nasa enhanced community quarantine ngayon ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula noong Marso 29 hanggang Abril 4.

Nasa modified ECQ ang Quirino province mula Abril 1 hanggang 15.

Nasa GCQ ang buong Cordillera Administrative Region; Region II Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Region IV-A – Batangas; Region VIII – Tacloban; Region X – Iligan City; Region XI – Davao City; ang BARMM kasali ang Lanao del Sur.

Nasa MGCQ naman ang natitirang bahagi ng bansa.

Source: Pilipino Star NGAYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here