Panukalang buwis sa online sabong, aprobado na sa Kamara

0
62
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

KABAYAN magiging legal na ang online sabong makaraang aprobahan nang House of Representatives ang panukala na magpapatupad ng tax sa online betting ng mga locally licensed na sabungan at derby sa bansa.

Sa botong 215-1, lusot na sa mga mambabatas ang House Bill No. 8065 na mag-a-amyenda sa section 125 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Mga ’igan, sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na hindi kinukuhanan ng tax ang mga industriya na hindi nagdudulot ng economic harm.

Sa naturang panukala, aabot sa 5 porsyento ang gross revenues ang tax na ipapatupad mula sa offsite betting activities ng mga locally licensed games.

Gayunman mga kabayan mananatili ang full regulatory at revenue collecting powers ng local government units (LGUs).

Inaasahan kasi na dahil dito ay tataas ng hanggang P1.25 billion ang makokolektang buwis mula sa mga online sabungan sa unang taon nang pagpapatupad nito.

Malaki ang maitutulong ng buwis na ito sa iba pang gastusin ng pamahalaan lalo pa nga at nanatili ng pandemya ng Covid Virus.

At sa isang banda, sakaling maisabatas ang naturang panukala, maiiwasan na rin ang kaliwat-kanan na raid sa mga nagsasagawa ng online sabong, na kung minsan ay kinasasangkutan ng ilang pulis at politiko na syang nagiging padrino ng ilan.

Marahil matutuwa ang mga sabungero sa bansa dahil magiging legal na ang kanilang libangan.

*****

Happy Holidays Everyone!

Sa mga reader’s ng RONDA BALITA print at sa online, amin po ang karangalang batiin kayo ng Happy Holidays po  sa inyong lahat.

Keep on readingssa mga napapanahong balitaat columns na tumatalakay sa mga mahahalagang paksa na madalas pinag-uusapan.

Keep safe everyone and God Bless us all!

Para sa inyong mga reklamo at rekasyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here