Paolo Avelino may sarili ng movie outfit

0
67

MAY sarili na ring company outfit si Paulo Avelino.

Co-producer siya ng pelikulang Dito at Doon na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos.

Tumutulong siya sa promo ng pelikula sa pamamagitan ng mga social media post niya dahil hindi tuloy ang pagpapalabas ng movie sa mga sinehan.

Ang Dito at Doon ang unang project ni Paulo bilang may-ari ng kanyang sariling movie outfit, ang WASD Films.

Ang WASD ay ang keyboard keys na ginagamit sa video games interaction dahil certified online gamer ang aktor.

Para sa mga gustong makapanood ng Dito at Doon,  mag-uumpisa itong mapanood sa UPSTREAM.ph simula ngayong March 31, 12:01 a.m. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here