Paolo madaling mainlove, never na may minahal na kapwa-aktor

0
260

MARAMI ang nagtaka nang makita ng televiewers ang presensiya ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros sa programa ni Kuya Boy Abunda, ang ‘Tonight With Boy Abunda’ kamakailan.

Tuloy may nagtatanong kung Kapamilya na raw ba ang TV host actor.

Umapir sa nasabing programa ni Kuya Boy si Paolo para mag-promote ng pelikula nilang ‘The Panty Sisters’ kasama sina Christian Bables at at Martin del Rosario na ipalalabas sa Sept. 13.

Isa sa naging topic ng kanilang usapan ng King of Talk ay kung na-inlove daw ba si Paolo sa kanyang kapwa-actor.

Sinabi ni Paolo na never pa siyang na-inlove sa mga artistang lalaki kahit na raw mga gwapo pa ang mga eto.

Umamin naman siya na madali siyang ma-inlove. Katunayan marami na rin daw siyang minahal na mga babae noon at mga lalaki.

“Too many to mention,” aniya.

Pero iisa lang daw talaga ang babaing nagpatibok ng kanyang puso, ang ina ng kanyang anak.

Tanong ni Kuya Boy kung sino ang pinakamaganda sa mga Panty Sisters.

Ani Paolo, ‘Tito Boy tinatanong pa ba ‘yan?’ sabay tawa.

Sa pagyapak ng Eat Bulaga host sa TWBA marami ang may gustong mag-transfer na raw sana si Paolo sa Kapamilya Network.

Komento ng netizens, “Wala lang siya sa Dos eh. Pero kung nasa Dos yan sobrang sikat na niyan as in. Ngayon pa nga lang sobrang sikat na, paano pa kapag lumipat?”

“Sarap makita yung taga kabilang istasyon ay nakakatawid-bakod.” “Astig talaga this year pwede sila mag over the bakod para mag promote ng movie!!! Peace at last.” “Vaklang twooo. Si Paolo dinala ang barangay sa TWBA! Movie sa Star Cinema pls.” “Wait, Paolo certainly knows na napakalaki ng audience ng ABS-CBN.”

Ang opinion naman ng ibang netizens baka daw ginagamit lang ni Paolo ang ABS-CBN dahil malawak daw ang audience ng nasabing istasyon.

Iba raw kasi kapag ang mga artista ay nagpo-propomote ng kanilang pelikula sa ABS-CBN, talagang mapapakinabangan daw nang husto. (RONDA Balita Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here