Papa P. ididirek ni Alessandra de Rossi

0
128

SA September na ang umpisa ng shooting ng Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion movie kung saan ang kanilang director ay si Cathy Garcia-Molina.

Tatlong movie pala ang gagawin ni Papa P. ngayong 2019.

Isa raw ang pagsasamahan ni Alessandra de Rossi kung saan ang actress ang nagsulat at ang magdidirek.

“Another one is Puppy Love, which we’re gonna shoot in Bacolod for two weeks. Lock-in kami dun. Then the one with Clau in September,” saad ni Papa P sa Tonight With Boy Abunda.

Ayon pa sa actor, binabalak daw na sa Florence, Italy isu-shoot ang movie nila ni Claudine. Pero, three out-of-country locations daw ang nasa isip ng Star Productions.

“Originally, it’s in Florence. It’s a toss between Prague, Czech Republic, or Florence,” saad niya sa TWBA (Tonight With Boy Abunda). (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here