Papa P. isiniwalat ang tunay na relasyon kay Shaina

0
205

IBINAHAGI ni Piolo Pascual ang tunay na relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Ang dami kasing nagtatanong kung ano nga ba ang totoo sa kanila ng Kapamilya actress.

Sa vlog ni Papa P. nagbigay siya ng detalye hinggil sa napapabalita niyang girlfriend na si Shaina.

Wala mang pag-amin mula sa Kapamilya actor na “sila” na nga ni Shaina, may pagdidiin namang ‘they have more than friends for many years now.’

Ayon kay Papa P. mahigit walong taon na raw ang kung anumang relasyon meron sila.

Ani ng gwapong actor, siya at Shaina ay “stick it out with each other” anuman man ang mangyari.

“Eight years. Hindi matatawaran ‘yun. Shai and I have transcended whatever it is. We’re happy. You know, whatever happens, I know we’re going to stick it up together – stick it out with each other. Indirectly asked about his plans to settle down,” ani Papa P. sa kanyang vlog.

Nagbiro pa ang Kapamilya actor na “Bata-bata ko pa. Dami ko pang gustong gawin buhay. Dami ko pang pangarap. Wow. Nagsisimula palang ako.”

Sa totoo lang maraming kababaihan ang gustong mapalapit sa puso ni Papa P.

Aside being an actor and endorser isa na rin siyang fulfilled businessman.

Aba, hindi lang mga kahenerasyon niya ang nag-aabang sa kanya kundi mga millennials rin.

Kinuha na nga nila ang isinigaw ni Toni Gonzaga noon na “I LOVE YOU PAPA P” dahil dinedma niya ng misis ngayon ni direk Paul Soriano. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here