Home Showbiz Papa P. pinakamagaling humalik ayon kay Arci Muñoz

Papa P. pinakamagaling humalik ayon kay Arci Muñoz

32
0
SHARE

ANG daming naaliw nang mapanood ng televiewers ang guesting ng sexy-actress na si Arci Muñoz sa ‘Tonight With Boy Abunda’.

Ang topic ng King of Talk na host ng show na si Boy Abunda ay tungkol sa mga naging leading man ni Arci.

Sa “Name That Leading Man” segment sa TWBA ay sinagot lahat ni Arci ang bawa’t actor na naging leading man na niya nang walang kagatul-gatol. Direct to the point kung sagutin ng star ng “The Last Fool Show” (showing ngayon sa mga sinehan) ang mga tanong.

Viral sa socmed nang sagutin ni Arci kung sino sa mga nakapareha na niya ang pinakamagaling at mahusay humalik. Nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Since I Found You.”

Sagot ni Arci ay si Piolo Pascual. Aniya pa, si Papa P. din daw ang pinakamabangong actor na naging leading man niya.

Kasama rin sa mga pinakita niyang larawan si Papa P aside kina Jake Cuenca at Jericho Rosales na mga pinakamadaldal na actor leading man niya.

Sinabi pa ng sexy actress na pinabanidosong actor si Jake. Si JM de Guzman na kapareha niya ngayon sa “The Last Fool Show” ang pinaka-sexy at maasahan niya dahil ito ang pinaka-close niya sa lahat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDebate sa pagka-gobernador, magandang halimbawa sa mga kabataan
Next articleBea Alonzo may experience sa pagsuot ng ‘Darna’ costume
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here