Home Showbiz Papa P. sinubo ang papel na may nakalistang name ng actress at...

Papa P. sinubo ang papel na may nakalistang name ng actress at ‘nilunok’

34
0
SHARE

SA vlog ni Piolo Pascual ay napagkatuwaan nilang magkakaibigan Alessandra de Rossi at Direk Bb. Joyce Bernal na gumawa ng nakakatuwang challenge para kay Piolo Pascual.

Nilagyan nila eto ng title na Jojowain o Totropahin.

Si Alex ang nagtatanong ng mga pangalan ng celebrity.

Tanong ni Alex, Catriona Gray… Jojowain o Totropahin. Sagot ni Papa P., ‘respeto.’ Ganun din ang sagot niya ng name naman ni Judy Ann Santos ang binanggit ni Alex.

Nang sina Arci Munoz, Bela Padilla at Shaina Magdayao naman ang binanggit ng actress, tatlo ang sagot ni Papa P. ‘jojowain, totropahin at respeto.’

Eksplika ni Papa si Arci raw kasi ay masarap kasama sa lakaran. Malalim naman daw kung si Bela ang kanyang kakwentuhan. At si Shaina ang laki raw ng respeto sa actress.

Si Alex hindi pumayag sa mga sagot ni Papa P. dapat daw ay may isang katangi-tangi.

Binalik ni Alex sa bowl ang mga papel para ulitin ang mga tanong sa kung sino ang una niyang mabubunot.

Agad na may nilamukos na papel ang gwapong actor at sinubo eto.

Naputol ang paglalaro ng tatlo dahil hindi na nila makuha sa bibig ni Papa P. ang papel na sinubo.

Ayon kay Papa P. nilunok na raw niya.

Ganyan ang tropa ng magkakaibigan kapag walang silang shooting sa dinidirek na pelikula ni Alex.

Enjoy, enjoy lang pag may time. (RONDA BALITA ONline)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here