Papa Pe at Mama Me, tawagan nina Maris Racal at Iñigo Pascual sa isa’t isa 

0
1536

GUEST sa Gandang Gabi Vice sina Inigo Pascual at Maris Racal nu’ng Linggo gabi, October 1.

Sa naturang programa napaamin ni Vice Ganda si Inigo kung gusto raw ba niyang maging girlfriend si Maris. Yes ang sagot ng anak ni Piolo Pascual. Si Maris naman ang tinanong ng GGV host na umoo rin naman.

Sabi tuloy ni Vice kung may endearment call ang dalawang youngstar. Ani Maris, Papa Pe ang tawag niya kay Inigo at Mama Me naman ang tawag ng huli sa dating Pinoy  Big Brother housemate.

Halata ngang inlove ang dalawang bagets dahil kahit panay ang tanong ni Vice sa kanila ay hindi maiwasan ni Inigo na laging humihilig sa balikat ng dalaga. Para nga silang mga naglalampungang pusa sa harap ni Vice na ikinaaliw naman ng host.

Bagay sina Maris at Inigo. Dahil parehong inlove hindi pa man nila tuluyang inaamin ay may kanta sa isa’t isa ang dalawa. Inigo Pascual Ikaw ang Dahilan, something like that ang kinanta ni Maris na ayon sa kanya ay kinompose lang niya on the spot.

Kitang-kita sa mata ni Maris na siya ay masaya habang panay ang titig sa mukha ni Inigo habang siya ay kumakanta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here