Papunta na tayo sa 5G technology

0
206
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

KARAMIHAN sa netizen ay hindi naiintindihan o talagang ayaw alamin ang teknolohiyang ito na kanilang ginagamit sa gabi’t araw at ito rin ay kaulayaw ng mga taong gumagamit ng smartphone, tablet, laptop at desktop computer at iba pang electronic gadgets na kumukonekta sa Internet.

Maging ako man ay maliit lang ang aking kaalaman sa teknolohiyang ito. Ang alam ko lang ay nagsimula ito sa 1G (first generation) ng wireless network, na kung saan ang sistema pa noon ay tinawag na basic analog na kumukonekta ang mobile phone sa kinokontak na mobile phone sa pamamagitan ng radio signal.

Kung natatandaan pa ninyo ang mobile na ginagamit noon. Malalaki, may antena at mistulang wire telephone na idina-dial ang mga numero ng taong tatawagan. Talagang napakalimitado ng sistema ng telekomunikasyon noon na hindi pa uso ang  text messaging at dahil analog telecommunication ang sistema sa pakikipagtalastasan, totoong magastos ang paraang ito dahil phone call ang gamit.

Kaya mula nang umiral ang 2nd  generation (2G) o panahon ng digital technology, napagaan ang pasanin sa gastos ng mobile phone users dahil sa sistemang short message service (SMS). Sa halagang piso ay naipapaabot sa iyong mahal sa buhay, kaanak at kaibigan ang mensaheng nais na iparating. Bukod sa text messages, nakakapagpadala rin ng picture message at ang MMS (Multimedia Message Service).

Talagang paunlad nang paunlad ang larangan ng digital technology. Kailangang pabilisin ang takbo ng serbisyo ng Internet dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng ga subscribers kaya pumasok itong 3G (3rd generation) technology. Ang mga Internet service provider ay bahagyang pinalakas ang kanilang sistema. Kung noon ay nagtitiyaga tayo sa lakas o bilis na kilobyte per second, (Kbps) pinalakas at pinabilis ang takbo ng Internet at pinagana ang lakas ng megabyte. Kaya lang hindi itinodo ng Internet service providers ang lakas ng serbisyo ng Internet. Halimbawa na sa isang komunidad ay nagsasalu-salo ang Internet users sa lakas na isinisilbi ng isang tower cell site.

Kaya marami ang gumagamit ng Internet na nakaangkla sa bandwidth ng cell site na may lakas o bilis na karaniwang 100mbps lamang. Talagang babagal ang takbo ng Internet dahil nagagamit lahat ng users ang puwersang 100mbps lalo na kung sa komunidad ay mayroong mga computer shops at ang mga netizen naman na naka-wireless broadband ay nakatutok lahat sa computer games.

Ngayong tinatamasa natin ang maginhawang pakikipagtalastasan ng live sa ating mga kaanak at mga kakilala sa pamamagitan ng videocall, gamit ang Facebook messenger, dahil ito sa 4G (4th generation) o mas pinabilis at mas pinalawak na Internet digital service. Ito kasing 4th generation technology ay siinasabing mas mababa ang data na tina-transmit o mas mababa ang bandwidth kaya mas mababa rin ang radiation na naibibigay ng sistemang ito

May lumabas na ulat kamakailan na ito raw Huawei, isang telecommunication company mula sa Shenzen, China ay magde-deploy o magtatayo ng kanilang base station sa ituktok ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa mundo.

Sa taas na 6,500 meters ay doon ilalagay ang 5G Active Antenna Unit (AAU) at ang ultra-high-speed transmission platform ng Huawei. Tatlong base stations umano ang itatayo ng Huawei sa pagitan ng altitude na 6,500 mtrs at 5,300 mtrs. Ito suportado ng Massive MIMO technology na siyang magbibigay ng malawak at malaganap na bandwidth at matinding speed na hindi naibibigay ng 4G telecommunication technology.

Dito sa Pilipinas ay malapit nang mabigay ng serbisyo ang ikatlong telecommunication company, ang Dito Telecommunity Corporation na gagamit ng teknolohiya ng Huawei. Kapag nag-full blast operation na ang Dito, ay posibleng matikman natin ang bilis ng Internet, katulad ng average Internet speed na 202.21 Mbps sa Singapore. Ang tanong ay ito: Makakaya kayang pantayan ng 3rd Telco ang speed na ito? Sa kasalukuyan ang average Internet speed sa Pilipinas sa fixed broadband ay umaabot sa 21.00 mbps (download)  20.18 mbps (upload) na mas mabagal sa global average na 57.91

Ayon sa repot, inaasahan na sa (5th generation) 5G ay makakaya nitong magbigay download speed na higit sa 1.66 Gbps, samantalang ang upload speed ay aakyat ng 215 Mbps. Wow nakamamanghang bilis niyan. Isa pa, sa ganyang super-fast speed ng Internet ay magagawa niyang magbigay ng maganda at detalyadong 5G high-definition video. Hintayin natin. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here