Home Editorial Para maiwasan ang pagkagutom at pagtaas ng krimen, itigil na ang pagdami...

Para maiwasan ang pagkagutom at pagtaas ng krimen, itigil na ang pagdami ng mga Pinoy

348
0
SHARE

SA kabila ng may mga programa ang pamahalaan sa tamang pagpaplano ng pamilya, hindi pa rin mapigil ang pagdami ng mga Pinoy na bawat taon ay dalawang milyon ang nadadagdag.

Ayon sa Population Commission (PopCom), aabot sa 105, 75 milyon na nag magiging bilang ng mga Pilipino sa pagtatapos ng 2017. Dahil sa paglobo ng populasyon, nasira ang mga plano ng pamahalaan na nakasentro sa katamtamang dami para maiwasan ang pagkagutom at ang pagtaas ng kriminalidad.

Taong 2012 nang ipinasa na ang Reproductive Health (RH) bill na ang layunin ay maisaayos ang pagpaplano ng pamilya at mailigtas din ang mga kababaihan sa panganib nang maaagang pagbubuntis.

Sa kabila na nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court sa ilang probisyon ng RH Bill, patuloy din namang nakaka-access sa iba pang family planning services sa health centers ang mga kababaihan.

Ayon sa PopCom, ang mga kababaihan sa mahihirap na sector ay may average na limang anak, kumpara sa mga kababaihan na nasa income bracket na dalawa lamang ang anak. Kung hindi maisasaayos ang pagdami, tiyak na darami rin ang problema sa bansa.

Unang problema ang pagdami ng mga magugutom. Dahil marami, kukulangin ang pagkain. At ikalawa, darami ang krimen. Dahil walang maibili ng pagkain, mapipilitan ang ilan na magnakaw o mangholdap.

Magpapatuloy din ang kakapusan sa tirahan at malaking sagabal sa paglikha ng mga trabaho. Sa kasalukuyan, marami ang walang trabaho at kailangan pang mangibang bansa para makapagtrabaho. Hindi napanatili ng Pilipinas ang pagmi-maintain sa tamang dami ng populasyon.

SHARE
Previous article33rd PMPC Star Awars For Movies Official Nominees
Next articlePDDG Mendez pinangunahan ang pagpapasinaya ng bagong bulding ng San Miguel police
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here