Home Ok Ka Lang Paraan, dahilan at uri ng pagpapakamatay

Paraan, dahilan at uri ng pagpapakamatay

200
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

ANO nga ba ang ibig sabihin ng pagpapakamatay o pagpapatiwakal?
Sa saling latin ang pagpapakamatay ay SUICIDIUM na mula sa salitang SUI CAEDERE na ang ibig sabihin ay patayin ang sarili ng sinasadya.

Kamakailan nga lamang ay marami ang nagulat at nalungkot matapos na mapabalitang ang kanilang mga hinahangaan at iniidolong mga sikat na celebrities ay nag suicide o nagpakamatay sa hindi malamang mga kadahilanan.

Bakit nga ba at ano ang mga kadahilanan kung bakit nagagawang magpakamatay ng isang tao?

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga dalubhasa isa sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao ay ang kawalan nito ng pag – asa,mental disorder, bipolar disorder, depresyon, pagkalulong sa alak o droga.

Ang nararamdamang matinding stress sanhi ng napakalaking problemamg pinansiyal at hindi magandang resulta ng pakikipagrelasyon ay nagiging sanhi rin ito pagpapakamatay ng isang indibidwal.

Mayroon ding mga nagpapakamatay para lamang takasan ang mga nararanasan nilang mga pang-aapi, mga hindi makatwirang mga panghuhusga,at mga sekswal na pang-aabuso.

Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman at walang kakayahang magpagamot ay isa rin rito sa mga anggulong nakikita kung bakit nagpapakamatay ang isang tao.

Sa kasaysayan ng INDIA noong taong 1997 ay mayroong humigit kumulang sa 200,000 magsasaka ang nagpakamatay dahil sa kanilang problema sa pagkakautang.

Sa bansang China naman ay may mas maraming bilang ng mga nagpapakamatay sa kanilang mga probinsiya kesa sa mga naninirahan sa mga kalunsuran ng dahil din sa problemang pinansiyal.

May iba’t-ibang pamamaraan at ginagamit ang mga taong gustong magpakamatay.

Mayroong gumagamit ng lubid na ipinangbibigti nila sa kanilang mga leeg, umiinom ng lason o pesticide, naglalaslas ng kanilang mga pulso,at nagbabaril sa sarili.

Mayroon namang dahil sa kagustuhang may maiwan o mabigyan ng pakinabang ang kanyang pamilya sa isasagawa niyang pagpapakamatay ay walang takot itong nagpapasagasa sa isang napili niyang sasakyan na sa tingin niya ay may maibabayad sa pagpapasagasa niyang ginawa.

Ayon sa datos ay mayroong 800,000 hanggang isang milyong katao ang namamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal taun-taon sa buong mundo.
Lumalabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa na mas malaki ang bilang ng mga lalaking nagpapatiwakal ng may tatlo hanggang apat na beses kaysa sa mga babae.

Samantalang kung tutunghayan natin at babasahin ang banal na kasulatan malinaw na nakasaad doon na “Ang pagpapakamatay ay isang mortal na kasalanan sa mata ng Dios”.

Noong panahon naman ng JAPANESE SAMURAI BUSHIDO WARRIOR sa bansang Japan ang SEPPUKU o HARAKIRI ay isang uri naman ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagsasaksak sa kanyang sarili sa tiyan at may isang matalik na kaibigan namang puputol sa kanyang ulo.

Hanggang sa dumating ang ikalawang digmaang pandaigdig ay pinaniwalaan pa rin nilang mas irerespeto ka ng may mataas na karangalan kapag ikaw ay nag HARAKIRI kesa sa sumuko sa kanilang mga kalaban!

SHARE
Previous articleGamitin natin ang ating kalayaan sa isip, sa salita at sa gawa
Next articleBokal Ayee Ople lalaban sa pagka-alkalde ng Malolos sa 2019
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here