Home National News Paraan ng matipid na pagkonsumo ng kuryente, tampok sa ‘DOE: E-Power Mo!...

Paraan ng matipid na pagkonsumo ng kuryente, tampok sa ‘DOE: E-Power Mo! Forum’ sa Bulacan

218
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS – Simpleng mga paraan ngunit epektibong solusyon upang bumaba ang konsumo ng kuryente ang naging tampok na paksa sa isinagawang “DOE: E-Power Mo! Forum” na ginanap sa Francisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito Huwebes.

Higit-kumulang 80 communicators ang dumalo sa nasabing aktibidad kabilang ang mga miyembro ng Information Officers of Bulacan (InfoBul), Inc., Information Officers mula sa mga lokal at nasyunal na ahensiya, campus journalists at national at local media.

Ayon kay Philippine Information Agency Region 3 Director William Beltran, layon ng forum na maituro sa publiko, lalo’t higit sa energy consuming public na magkaroon ng energy efficient lifestyle.

“Sa mahal ng kuryente at gasolina ngayon, ano pa ba ang dapat nating gawin kundi magkaroon ng nasabing lifestyle. Sabi nga ng DOE E-Power Mo, let us have the power to make ourselves safe, secured and may diskarte,” ani Beltran.

Ayon kay Ruel Lacambra ng DOE, kabilang sa mga simpleng pamamaraan upang mapababa ang konsumo ng kuryente ang pag-unplug sa appliances na hindi ginagamit, hanapin ang for Energy Efficiency Factor (EEF) label na nakalagay say unit ng appliances na bibilin kung saan ang mataas na EEF ay nangangahulugan ng mas mababang konsumo ng kuryente, at paggamit ng ng pinaka-episyenteng ilawan tulad ng LED or Light Emitting Diode.

Ibinahagi naman ni DOE Officer-in-Charge at Luzon Field Office Director Reynaldo Liganor ang mga epekto ng global warming at climate change sa bansa kung saan sa sama-samang pagkilos ng publiko at sa pamamagitan ng kooperasyon sa isinusulong na programa ng DOE hinggil sa cleaner alternative energy fuels, energy technologies at episyenteng paggamit ng enerhiya, magdudulot ito ng sustainable energy na makatutulong sa konserbasyon ng mundo para sa mga susunod pang henerasyon.

Dagdag pa niya, makatutulong rin ang paggamit ng renewable energy na nagmumula sa araw, tubig at hangin sapagkat hindi ito nauubos at hindi nagdudulot ng polusyon na nakalalason sa kapaligiran.

Tinalakay din sa forum ang mga paksa hinggil sa Downstream Oil and Gas, Energy and Environment, Renewable Energy, Electric Power Industry, Alternative Fuels and Energy Efficiency at Energy Consumers kung saan nagbigay ng tips sa pagtitipid sa paggamit ng kuryente gayundin kung paano aayusin ang mga bayarin sa bahay at opisina, at ilang mahahalagang usapin tulad ng e-vehicles, jeepney modernization, at nuclear energy.

Naisakatuparan ang nasabing forum sa pagtutulungan ng DOE at PIA Region 3. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePresident Duterte holds caucus to unite PDP-Laban factions
Next article2 Bulacan dams open spill gates
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here