Home National News Parañaque police chief, tinaningan ng 2 araw para lutasin ang ‘Gotohan Robbery’ 

Parañaque police chief, tinaningan ng 2 araw para lutasin ang ‘Gotohan Robbery’ 

442
0
SHARE

NATAPOS na kahapon ang dalawang araw na palugit na hamon na ibinigay sa hepe ng Parañaque City Police Station para resolbahin ng tanggapan nito ang naganap na nakawan sa tindahan ng gotohan sa nasabing lungsod ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nabatid na inilabas ang naturang palugit ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde noong huwebes ng umaga kay Parañaque City Police chief Senior Supt. Leon Victor Rosete upang gawin ang lahat ng paraan para agad na matunton ang pinagtataguang lugar ng mga kawatan at madakip ang mga ito na kinulimbat ang libong pisong halaga ng kinita ng gotohan sa isang lugar sa Parañaque kamakailan.

Ayon kay General Albayalde, “Sa nangyari sa Parañaque sa maliit na gotohan, although maliit lang ang nakuha still it’s a robbery. Apat ang nakita natin na armado, hindi ordinaryo na grupo ito dahil lahat sila ay armado.

Saad pa ni Albayalde, “Yan ay pinapa-follow up natin. I’ve given the chief of police two days to resolve the case, if not bahala na siya kasi hindi natin pwedeng sabihin na maliit lang ito.”

Samantala, sinibak na rin sa puwesto ang naka assign sa police community precinct commander kung saan ang presinto nito ang syang nakakasakop sa pinangyarihan ng krimen. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here