Home News Report Pari na nagmolestiya sa menor-de-edad kinasuhan na sa DOJ

Pari na nagmolestiya sa menor-de-edad kinasuhan na sa DOJ

238
0
SHARE

SINAMPAHAN na ng kasong “Qualified Trafficking In Person” ang  pari na  si Monsignor Ariel Lagarejos na nahuling may kasamang menor-de-edad at patungo umano sa isang motel.

Personal na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang ina ng biktima kasama si Public Attorney’s Office (PAO) office chief Persida Rueda-Acosta at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nabatid na una nang minolestiya ng pari ang menor-de-edad na biktima.

Kasabay nitoy hiniling ni PAO chief  Acosta, sa DoJ na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang biktima at pamilya nito.

Nabatid na ang pari ay presidente ng Catholic School sa Marikina na nahuli noong Hulyo 28, 2017 nang makipagtransaksiyon ang mga otoridad sa pari sa isang  Mall sa Sumulong Highway, Barangay Sto. Nino, Marikina City

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here