Home Video Pari, nag-ballroom dancing sa harap ng altar ng simbahan

Pari, nag-ballroom dancing sa harap ng altar ng simbahan

445
0
SHARE

IKINADISMAYA ng mga deboto ng San Miguel Arcangel Parish Church ang ginawang paghataw ng sayaw ng isang pari kasama ang isang babae sa harap ng mismong altar nito sa bayan ng Plaridel, Bulacan kamakailan.

Napag-alaman na birthday ni Father Wilfredo Lucas, ang kura-paroko ng nabanggit na parokya kaya nag-ballroom dancing ito ka-partner ang isang babae sa altar.

Pero hindi nagustuhan ng mga parokyano ng simbahan ang ginawa ng pari lalo na’t may nakatakda na namang ballroom night na gagawin sa loob ng simbahan sa Pebrero 10.

Inihayag ng ilang parishioner ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ng naturang pari sa loob ng kanilang simbahan.

Ani ng isang deboto na hindi sayawan ang harap ng simbahan kundi ito ay sambahan.

“Dapat hindi ganyan. Respeto sa mga tao,” dagdag naman ng isang parishioner.
Una nang ipinaliwanag umano ni Father Lucas na sa loob na lang ng simbahan gawin ang mga naturang okasyon para umano makatipid sa gastusin sa venue.

Sinubukang kunin ng RONDA Balita ang pahayag ng naturang kura paroko sa nasabing isyu ngunit wala ito sa kanyang tinutuluyan.

Una nang lumabas ang ulat at video ng nasabing party at the altar sa GMA News “Balitanghali,” nitong Martes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here