Home Sports Pasilidad sa New Clark City na gagamitin sa 30th SEA Games, sinubok...

Pasilidad sa New Clark City na gagamitin sa 30th SEA Games, sinubok ng mga atleta

30
0
SHARE

CLARK CITY, Pampanga — Sinubok nang ilang atleta na sasabak sa papalapit na 30th SEA Games ang mga pasilidad sa bagong tayong istruktura sa New Clark City.

Nagsagawa ng dalawang araw na test run at test dive sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang ilang mga atletang lalahok sa papalapit na 30th SEA Games.

Sinubukan ng mga atleta nitong Oktubre 26 at 27 ang mga bahagi ng Athletic at Aquatic Center para sa kanilang paghahanda sa mga pasilidad na gagamitin sa naturang palaro.

Aabot sa 72 members ng Philippine athletics’ team ang makikipag-tagisan ng galing laban sa mga entries mula Thailand, Malaysia at Vietnam sa New Clark City Athletics’ Stadium.

Ayon kay Timothee Yap, isang atleta mula Singapore at kalahok sa Atlethics 200 meters, ang ginanap na test run ay para maging angkop ang kanilang katawan sa bagong tayong athletic center.

Aniya, maganda ang mga pasilidad ng athletic center.

Nanalo siya sa 200 meter run sa naturang test run at umaasa siya na mauulit niya ito sa aktuwal na kompetisyon sa SEA Games.

Aniya, pinaghahandaan din nila ang Philippine Team dahil nakikita nila na mahuhusay at matutulin ang mga atletang Pinoy.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin sila ng pagsasanay at mainam ito na nasubok nila ang pasilidad ng bagong tayong athletic center.

Isang atleta naman mula sa Singapore ang nadapa sa mix relay na agad na nirespondehan ng medics.

Nagdaos rin ng test dive ang ilang atleta sa Aquatic Center.

Sumabak sa diving sina Kiel Calupas, Joseph Reynado at Joel Igi Xian para sa 202 Mens platform individual.

Nag-dive naman sa 201 Womens 300M springboard ang tatlong Pinoy at isang Malaysian.

Nanalo ang Malaysian na si Koh Hui Yan at sinundan ng tatlong pinoy na sina Monique Ann Demaisip, Rose Anne Ocmer at Jana Mary Villaflor.sinubok na ng ilang mga atleta na sasabak sa papalapit na SEA Games ang mga pasilidad ng New Clark City. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here