Home Pilantik Pasintabe po, bato-bato sa langit ang tatamaan ay ’wag magagalit

Pasintabe po, bato-bato sa langit ang tatamaan ay ’wag magagalit

19
0
SHARE

SA araw-araw ng ating paglalakbay sa kahabaan ng ating lansangan, samut-saring tagpo at karanasan ang ating nasasaksihan at nararanasan na kung minsan ay hindi natin maiwasan ang mabugnot o mag-init ang ating mga ulo lalo’t naghahabol tayo sa oras upang makarating sa ating destinasyon o pupuntahan .

Hindi po lingid sa atin na kung kaylan buhul-buhol ang trapik at usad pagong ang mga sasakyan saka naman may ilang balasubas na driver o motorista ang pilit na sumisingit na lalo pang nagiging sanhi ng bigat ng daloy ng trapiko.

Bukod sa mga balasubas na ito naririyan din ang mga driver ng mga kunsintidor na maimpluwensyang tao kasama na ang ilang pulitiko na hindi magawang pigilan at disiplinahin ang kanilang mga driver na abusado na walang ginawa kung di ang sumingit doon at sumingit dito.

Nariyan din ang mga driver ng mga ambulansya na kahit walang lulang pasyente at hindi naman importante ang patutunguhan ay todo -todo Sa pagserena at pilit na nakikipagsiksikan, “emergency kuno”. Ginagamit ang mga pusisyon sa pang-aabuso, masasabing tunay na mga haragan.
Isama na rin natin ang mga driver ng patrol car ng mga pulis at barangay na dapat sana ay siyang mangunang mangasiwa sa ikaaayos ng buhul-Buhol na trapik subalit sila pa mismo ang pasimuno upang lalong magkagulu-gulo. mga pulis at driver ng patrol ng barangay na huwag makasisilip ng butas ang patrol car ay sapilitang isasaksak.

Kasiyahan na ng taong ito, ng mga driver ng mga sasakyang ito na tawagin silang mga “hari ng lansangan” na lingid sa kanilang kaalaman ay labis silang kinamumuhian at kinasusuklaman ng taong bayan dahil sa kanilang ginagawang kagaspangan at wala sa katuwiran

Ngayon ng dahil sa mga kunsitidaor na amo sa kanilang mga Driver na Abusado , may pag- asa pa kaya na tumino ang grabeng trapiko ns kung magkaminsan ay nagiging sanhi ng mga aksidente na ikinadidisgrasya ng ating mga kapwa.

Sana naman ang mga taong sangkot sa isyung ito ay mangatauhan at huwag ipagyabang na sila ay mga hari ng lansangan na sa lahat ng sandali at dapat nating pagbigyan at iwasan. Hinay-hinay lang mga ‘igan at huwag daanin sa pag-abuso at kayabangan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here