Paskong Pandemya 2020

0
135

MAIIBA ang pagdiriwang natin ng Pasko ngayong taon ng 2020 dahil sa pandemya. Hindi katulad ng dati na tayo ay napaksaya sa tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan.

At ngayong Paskong pandemya, online caroling, online regalo delivery, social distancing, face masks at face shield at iba pa ang ating kakaharapin.
Mahirap pero kailangan nating sumunod para maiwasan ang lalo pang pagdami ng mga apektado ng sakit na COVID-19.

Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko ng mga Pilipino. Marami man ang pinagdaanan ngayong taon, buhay pa rin ang liwanag ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pag-asa sa ating mga puso.  

Huwag tayong patatalo sa pandemya. Tuloy pa rin natin ang masayang pasko at samahan natin ng panalangin ang ating kagalakang dulot ng paggunita sa pagsilang ng Banal ng Betlehem na sana ay tapusin na itong pandemya.

Ultimo ang mga bata at mga senior citizen ay binawalan lumabas ng bahay upang mamasko at dumalaw sa mga mahal sa buhay.

Limitado ang bisita sa bahay sa Pasko dahil nga sa takot na magkahawa-hawa sa sakit na COVID-19.

Naiibang Pasko ang ating gugunitain sa darating na December 25. Paskong Pandemya, ngunit ang mahalaga ay ang maidaos natin ito ng ligtas, sama-sama at pairalin pa rin ang pagmamahalan sa pamilya.

Sana sa pagpasok ng bagong taon ay bumalik na tayo sa normal na pamumuhay. Yung walang kinatatakutang sakit kapag lalabas ng bahay.

 Yung puedeng lumabas ang bata ang mga matatanda. At puede na tayong hindi magsuot ng face mask at face shield.

Sana matapos na ang lahat ng ito sa 2021. Ito sana ang regalong matanggap natin sa darating na Pasko.

Ang pagdiriwang natin ng Pasko ay dapat kakitaan ng pagmamahal at pagiging di-makasarili na itinuro ng Tagapagligtas sa kabila ng pandemya.
Ang pagbibigay, hindi ang pagtanggap, ang siyang tunay na nagpapamukadkad sa diwa ng Pasko. Kahit na may COVID, mas mabait sana tayo sa isa’t isa, tumulong tayo nang may pagmamahal sa mga kapus-palad.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here