Home National News Paslit nabaril umano ng 6-taong gulang na pinsan

Paslit nabaril umano ng 6-taong gulang na pinsan

22
0
SHARE

CAMALIG, Albay — Nasawi ang isang 5 anyos na babae nang aksidenteng mabaril ng 6 anyos na pinsan sa kanang bahagi ng kaniyang dibdib noong Sabado dito sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Police Master Sgt. Armando Revale, spokesperson ng Camalig Municipal Police, nakalabit ng 6 anyos na bata ang baril na pagmamay-ari ng kaniyang ama na sundalo sa Philippine Army.

Bunsod nito, maaaring makasuhan ang sundalo na nagmamay-ari ng baril, ang asawa nito at ang kaanak na naatasang mag-unload ng baril dahil sa kapabayaan.

Bago ang insidente, inutusan umano ang kaanak ng mga bata na alisin ang bala ng baril bago ito itago sa mas ligtas na lalagyan.

Gayunpaman, iniwan umano sa mesa ng kanilang bahay ang baril bago ito makuha ng 6 anyos at aksidenteng mabaril ang 5 anyos sa dibdib.

Sa imbestigasyon ng pulis, posibleng hindi marunong mag-unload ng bala ang kaanak kaya biglang pumutok ang baril nang kalabitin ito.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito.

Source: TNNP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here