‘Patrophile’ ang tawag sa anak na malapit ang loob sa ama!

0
345

AYON sa mga eksperto, mahahalata ang taong nagsasabi ng totoo ay detalyado ang nagiging sagot sa kasunod na tanong habang ang taong nagsisinungaling ay nakadepende lang sa kanyang naunang simple at napaka-basic na sagot.

Ang peanut butter ay naimbento ni Marcellus Gilmore Edson na tanging nasa isisp ay maibenta ito bilang pagkain ng mga bungal.

Masasabing indikasyon sa taong malapit ng malagutan ng hininga kapag wala na itong pang-amoy o sense of smell. Ma malinaw umano itong  palatandaan ng kamatayan kaysa sa pagsuri ng taong may cancer o lung disease.

Umaabot sa 87 milyong greeting cards per year ang ipinapadala sa iba’t ibang panig ng mundo tuwing Father’s Day.

Patrophile ang tawag sa anak na mas malapit ang loob sa kanyang ama kaysa sa ina. Hindi lahat ng bansa ay June 18 ang petsa ng Father’s Day dahil sa Belgium at Spain, tuwing Marso 19 nila ito ginugunita habang sa Australia at New Zealand ay tuwing 1st Sunday of September.

Ang pinakamatandang tatay sa buong mundo sa edad na 96 ay si Ramajit Raghav ng India habang 12 anyos naman ang pinakabatang naging ama na sa India rin matatagpuan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here