Patuloy ang pagbibigay ng ayuda nila Mayor Roque at Mayor Robes

0
479
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAIS natin pasalamatan si Mayor Rico Roque ng bayang Pandi, Bulacan, sa patuloy na ayuda nito sa kanyang mamamayan. Narito ang kanyang mensahe sa Katropa ng siya ay aking kumustahin: “Kuya Good Morning. Okey naman po, medyo busy pa din ‘last day’ natin ‘today’ para sa ‘8th wave’ ng ‘foodpacks distribution’ natin. Medyo naghihigpit pa din tayo Kuya, diretso pa din po ang mga ‘lockdowns’ para mapanatili nating ‘covid free’ ang Pandi.”


At sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, naman ay napagalaman natin na sila ay may nais na ipabatid sa kanilang nasasakupan, narito: PABATID

Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 38, Series of 2020, nakasaad sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, Section 2 (13):

Law enforcement agencies shall recognize any of the following IDs: IATF IDs issued by the regulatory agencies with jurisdiction over permitted establishments or persons, bona fide IDs issued by establishments exempted from the strict home quarantine requirement, RapidPass IDs.

No other IDs or passes specifically exempting persons from community quarantine shall be required of workers of permitted establishments and/or offices without prejudice to requiring the presentation of other documents establishing the nature of their work.

Nangangahulugan, na HINDI na po kailangan pang kumuha ng TRAVEL PASS mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte ang mga empleyado o manggagawa na magbabalik-trabaho sa labas ng ating lungsod.

Ipakita lamang sa mga nakatalagang awtoridad ang inyong lehitimong ID at iba pang dokumento na magpapatunay na ikaw ay kawani ng kumpanya o establisyemento na pinahihintulutan na ang operasyon base sa IATF-EID at DTI.

Tsk! Tsk! Tsk! Narito pa ang kaganapan sa LSJDM, ang ‘distribution of Emergency food package’ ay patuloy ang maaayos na pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan sa bawat Pamilyang San Joseño, na apektado ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) laban sa COVID-19. Mabuhay ang mga San Josenios at sila Mayor Arthur Robes, Congw Rida at Admin Dennis Booth.


LTO chief Abel Beltran may nais iparating sa balana

G. Abel Beltran, Hepe ng Land Transportation Office (LTO,) Sta. Maria, Bulacan, ay nagbabala sa madla na kailangan ang mahigpit na pagiingat laban sa nakamamatay na COVID-19. “kailangan lagi tayong alerto upang makaiwan sa COVID-19. Panatalihin ang ‘social distancing,’ paghuhugas at paglilinis ng kamay at ang lagiang pagsu-suot ng ‘safety mask,” sabi ni Beltran ng siya ating makahuntahan sa kanyang tangapan, kamakailan.

Ayon sa kanya, pinaayos na niya ang lababo, at tapakan na may pandisimpekta sa kanilang tangapan upang magamit ito ng mga tao o kliyente na nagpaparehistro ng kani-kanilang mga sasakyan. Gayundin sa opisyal na araw ng pagtanggap ng mga kliyente ay magbibigay sila ng ‘Client’s information sheet’ sa mga ito, upang masagot ng mga kinauukulan ang personal, medical at exposure history information.’

Ayon sa Memorandum nila na ipinagkaloob sa Katropa, kailangan ang pagamit ng ‘thermal scanners,’ ang lagiang pagsuot ng ‘protective face mask,’ ang ‘observance’ ng ‘social distancing’ at ‘wearing of sanitary gloves.’

Tsk! Tsk! Tsk! Medyo mahaba ang nilalaman ng nasabing tala, kaya kapag kayo po ay may kailangan sa LTO, ay sumunod po lamang kanilang mga panuntunan. Sabi pa ni Beltran noong kami ay nagkausap, ang kanyang tanggapan at laging bukas. Mabuhay ka Chief Beltran! Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous articlePaalam sa mahusay at tapat na mayor ng Bocaue
Next article5,000 bakawan naitanim sa coastal area ng Hagonoy
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here