Patutsadahan ng mga politiko, pare-pareho lang naman!

0
92

MISTULANG ang titino at ang lilinis kung magbatuhan, patutsadahan ng mga salita ng mga lumalabang kandidato. Tila sa pakiwari ko sa tuwing aking maririnig sila ay mga santo, na ubod ng titino, mga dakilang lingkod bayan, mga bwisit kayo maglubay nga kayo!

Hindi makatutulong ang mga paninira n’yo sa mga matatalinong botante, bagkus sila ’yun mga taong nag-iisip, tahimik na kung sino talaga ang karapat-dapat nilang iboto.

Ang kailangan ng taong bayan ngayon ay yaon makatutulong sa kanila sa tuwing kailangan ang kanilang serbisyo, gaya ng pangangailangan medikal, maraming namamatay na mahihirap dahilan sa kakulangan pinansyal, kadalasan ’yun tulong pinansyal patay na yun nangangailangan saka pa lang dumarating.

Kasabihan nga “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”. Oh, ’di ba mga katoto madalas kong naririnig ang ganyan salita at ’ika nga ng matatanda ngayon lang mababait iyan kasi kailangan nila ng boto subalit kapag nanalo na na ang mga ’yan, ang hirap lapitan, pababalik-balikin ka na akala nila maraming pamasahe ang humihingi ng tulong sa kanila.

Minsan may mga humihingi din ng tulong “take note” (hindi lahat) ay ginagawa ng hanap-buhay ang paghingi.

Minsan o kadalasan ’yun mga empleyado ang nagpapatagal upang magtagal ang ibibigay na tulong kung baga kulang sa padulas, walang dalang tinapay o meryenda para sa kanila at kapag medyo hindi maganda ang itsura, pananamit, may amoy pa ay halos hindi intindihin. Tama ba ito? Na namimili kayo ng uunahin n’yo ’yun dapat para sa inyo at higit sa lahat mas mayayabang pa ang naka paligid sa mga amo nila, susme. Anu ’yan!

Dapat walang ganyan sistema pantay-pantay ang pagbigay o pagtanggap n’yo sa mga tao dahil pera ng gobyerno ’yang pinamimigay n’yo at hindi pera o galing sa sarili ninyong bulsa.

Bato bato sa langit ang tamaan huwag magalit at papangit! Sino ba ang hindi nakinabang o hindi tumatanggap lalo’t SOP ang pinag-uusapan? Nakupo, Tatang, ’wag nga kayong magmalinis. Hehehe!

Sino ba sa mga nahalal ang nag hirap? Nagtatanong lang po tayo.
’Yun sahod ng isang halal na kandidato ay sapat ba upang makabili ng magagarang sasakyan, magparami ng ari arian? Minsan nadadagdagan pa ang mga asawa kung sila ay nanunungkulang na.

Kaya sa halip na magbatuhan ng mga pangit na salita, dapat ipaunawa ang tunay na layunin sa pamamagitan ng “plataporma de gobyerno” para sa mga botante na boboto sa inyo na hindi kayo magpapayaman kaya kayo pumasok sa larangan ng PULITIKA. Okey ba mga IGAN?

*****
Ricky Silverio sa Ikatlong Distrito ng Bulacan

Basta tatak-Silverio, tunay na Serbisyo, tunay na Asenso. Si Ricky Silverio ang tunay na anak ng yumaong kung tawagin ay Tata Carding na matagal nanungkulan bilang Kongresista ng 3rd District

Sa pagsabak sa pulitika ni Ricky Silverio, ang kanyang hangarin lamang ay ipagpatuloy ang magandang ehemplo na iniwan ng kanyang ama sa ikatlong Distrito. Magaganda ang kanyang mga plataporma at ang tumawag pansin sa akin na siyang pangunahing kailangan ng mga taga-ikatlong distrito ay magkaroon sila ng hospital

Kung magkakaroon ng hospital ang kanilang distrito malaking ginhawa ito kesa pupunta pa ng Baliuag o ng Malolos.Agaran malalapatan ng lunas ang mga pasyente. Mahusay at maganda at higit sa lahat ito ay libre.

Samantala kahanga-hanga din ang suporta ng maybahay ni Cong. Ricky na si Ma’am Dana Silverio na dating beauty queen at ng kanyang anak na handang magbigay ng mga computes para sa mga public library. 3 and 1 kung baga sa team work silang pamilya at sa kanilang adhikain na isulong sa kongreso ang kanilang mga adhikain. Kaya samahan n’yo mga taga ikatlong Distrito ang kanilang layunin.

*****
Atty. Jemina Sy, pinasok na ang mundo ng pulitika

Nagkaroon ng general meeting sa bayan ng Marilao ang inyong lingkod na kung saan ito ay preparasyon sa mga mahihirap na munting pangarap sa ’di inaasahan ito ay dinaluhan ng tambalan Atty. Jem Sy at Kapitan Rommel Pabale.

Habang pinakikinggan ko ang kanilang talumpati, pumakaw sa aking damdamin ang kanilang mga layunin higit sa lahat ang bigyan ng pabahay ang walang sariling tirahan na alam ko ito ay makakatuwang ko kung sila ay maluluklok sa bayan ng Marilao.

Simple at masarap kausap kahit pagod na masaya pa ring nakangiti si Atty. Jem Sy kasama ang kanyang bise alkalde na matagal na din nanungkulang kapitan na si Rommel Pabale ,

Walang yabang sa katawan, walang arte. Nagulat nga ako ng makita ko na kaya n’yan kumain sa mga nagtitinda lang sa bangketa ng fishball. Hindi n’ya pansin na pina mamasdan ko siya. Saludo ako sa iyo Atty. Jem Sy. Hangad ko ang iyong tagumpay Mabuhay ka! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here