Home Taklesa PD Col. Chito Bersaluna hindi nagpa-apekto sa ulat ng AI

PD Col. Chito Bersaluna hindi nagpa-apekto sa ulat ng AI

42
0
SHARE

SA halip na panghinaan ng loob ay hindi nagpa-apekto si Bulacan Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna sa panggigiba sa kanya hinggil sa ulat na inilabas ng human rights watchdog na Amnesty International na ang lalawigan ng Bulacan ang “bloodiest killing field” sa bansa kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte.

Kung inyong matatandaan sa inilabas na report ng naturang human rights watchdog, kabilang si PD Bersaluna, na dating police chief ng Caloocan City, sa diumano’y na-promote pa sa puwesto sa kabila ng pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan sa pagkakapatay sa isang 17-anyos na si Kian delos Santos nu’ng August 2017.

Dagdag pa sa report released ng grupo na pinamagatan “They Just Kill: Ongoing Extrajudicial Executions and Other Violations In The Philippines’ ‘War on Drugs’,” na may 20 incidents ng drug-related killings sa Bulacan mula May hanggang April, na 27 ang namatay na kung saan ay 18 dito ay patungkol sa police operations.

Na karamihan umanong biktima na inaaresto ay mga pawang mga mahihirap, walang laban, pinapasok ang kanilang tahanan, kinukulong o kaya ay dinudukot saka sasabihin napatay ito dahil nanlanban na matatagpuan na lamang malamig na bangkay sa langsangan at nakuhanan ng awtoridad ng ebensiya kontra sa mga biktima.

Sa kabila ng lahat ng ito ay ipinakita ni PD Bersaluna ang kanyang katatagan at sa halip na madismaya ay mas lalo pa nitong ipinakita na mali umano ang naturang ulat ng London based group.

Ayon pa sa magiting na police director ng Bulacan, na ang bilang ng naaresto at sumukong mga drug suspects ay mas marami kaysa sa mga napapatay sa mga drug operations na isinagawa sa 21 bayan at 3 lungsod sa lalawigan ng Bulacan.

“Our policemen are just working and sacrificing their lives and career for our people,” ayon pa kay Bersaluna.

Dagdag pa nito na ang kanyang mga tauhan ay handang ipagtanggol ang kanilang mga sarili kapag nakaroon ng violent resistance sa mga police operations.

At hindi rin umano niya kinukunsinti ang kanyang mga kapulisan kapag nakagagawa ng mali.

Ang kanya umanong direktiba ay sundin ang PNP Operational Procedures (POPs) sa mga operayon may kinalaman sa iligal na droga at respetuhin ang karapatan ng bawat mamamayan.

Salute kay Col. Chito Bersaluna at ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan para sa peace and order ng Bulacan.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleWHO IS THE FAIREST OF THEM ALL
Next articleSilang magagaling na alkalde
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here