Home National News Pebrero: Buwan ng Pag-Ibig

Pebrero: Buwan ng Pag-Ibig

20
0
SHARE

HINDI lang para sa mga kabataan ang Araw ng mga Puso. Ayaw kong tawagin sa nakagisnang Valentines Day ang ika-14 ng Pebrero dahil ang tinatawag ‘Valentino’ ay isang alamat lamang at maraming karakter na nakapaloob sa kwento ni Valentino na kathang-isip lang o kwentong nagpasalin-salin.

Bilang modern day Christian, tanggap naman namin na ang buwan ng Pebrero ay buwan ng pag-ibig kaya tinawag namin ang February 14 ng “Hearts Day” o Araw ng mga Puso.

Dahil buwan ng pag-ibig dapat na ipadama ng mag-asawa, magnobyo o magnobya ang wagas na pagmamahalan. Hindi natatapos sa Araw ng mga Puso ang pagmamahalan. Kung kayo ay kasal na, ang pagtataling-puso ay panghabang panahon, walang limitasyon.

Kaya ang kasal ay sagrado at kung may mga kabataang magnobyo sa ngayon na nagbabalak na magpakasal, pakaisiping mabuti ang inyong balak dahil ang kontrara sa kasal ay panghabang buhay — walang bawian — wika nga ng mga banyaga ay “till death do us part”.

Hindi lang nakaukol sa mag-asawa at magnobyo ang Araw ng mga Puso. Ipinadadama ang pagmamahal sa mga anak, sa mga magulang, sa mga kapatid at nga kaibigan. Diyan matutupad ang nakasulat sa bibliya na: “Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa kanya.” (1 John 4:7)

Kaya nga kung sinusunod ng tao ang utos na iyan, walang pamilyang mawawak , walang bansang maglalaban at walang samahang malalansag dahil ang lahat ay nagmamahalan.

Nakagawian na kasi na ang hotel o motel ay tagpuan ng magnobyo at magnobya, mag-sawa o magkarelasyon man. Sa isang araw at isang gabi na pamamalagi sa malamig at madilim na kwarto ay hindi garantiya ng mahusay na pagsasama.

Nagiging daan pa nga ang gayong tagpuan ng pagtataksil ng magkalaguyo sa kani-kanilang mga asawa. Iyang pagmamahalan kasal man o hindi ay naipapadama kahit sa loob ng tahanan sa araw-araw hindi sa araw lang ni valentine kung pinapatron man ninyo ang karakter na iyan.

Ang aking maipapayo sa mga mag-asawa o magnobyo man ay magmahalan na may kalakip na sakripisyp dahil maipakikita sa isa’t isa ang walang maliw na pag-ibig na nanggagaling sa kaibuturan ng puso. Happy Hearts Day sa lahat. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here