Home Striker Pekeng masteral degree, pinagtatakpan sa DepEd Bulacan?

Pekeng masteral degree, pinagtatakpan sa DepEd Bulacan?

98
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

SA loob ng nakalipas na dalawang linggo makaraang paputukin natin ang usapin ng Masteral Degree For Sale, tila parang dumaan lamang na parang bagyo ang nasabing isyu dahil hindi ganoon ka pursigido ang DepEd Bulacan na alamin kung ilan ba talaga ang mga na-promote na mga teachers gamit ang pekeng Transcript of Record (TOR).

Labis na nakababahala ang ganitong kaso ng panloloko ng ilang nasa likod ng paggamit ng pekeng TOR para lamang sa mabilis na promotion. At tila baga sanay na nasay sa paggawa ng panloloko ang ilang supervisor at principal na naging promotor para mag-alok ng bogus na TOR para sa mabilis na promosyon.

Sana naman bago mag-imbestiga ang Civil Service Commission (CSC) at Department of Education (DepEd) Central Office ay manguna na ang Division Office ng Bulacan na magpakita ng masidhing imbestigasyon. Sa mga na-promote noong nakaraang 2017 hanggang ngayong 2019 na ayon sa ilang dating supervisor ay may mga na-promote na hindi naman karapat-dapat na-promote. At yung mga talagang legal ang ginawang pag-aaral ay hindi pa na po-promote hanggang sa kasalukuyan. Ano ba yan!

Ayon kay Commissioner Atty. Aileen Lazada ng CSC ay malaking kaso ang kakaharapin ng nasabing mga gumamit ng mga pekeng TOR dahil isang panloloko yun na maaaring maharap sa mabibigat na kaso at pagkakatanggal sa kanilang pagtuturo.

Ang isa pang mabigat na gawain ng ilang principal sa bayan ng Plaridel kung saan pinakamaraming guro na nabentahan masteral degree for sale sa halagang P55,000 ay sila pa umano ang matapang.

Natapos at natapos ang nasabing problema ng mataas na kaso ng TOR sa Plaridel District ay ano kaya ang ginawang aksyon ng District Supervisor?

Samantalang hindi naman biro ang naging problema sa kanyang nasasakupan ay tila baga baliwala lamang at ala ding ginawang imbestigasyon para maparusahan ang ilang principal na nagsauli ng pera. Dahil malinaw pa sa sinag ng araw na nagkasala ang kanyang mga prinsipal.

Ano nga ba ang dahilan at bakit may mga supervisor na nasa District Office ay karaniwan na nagiging daan nila ng masidhing pagsasamantala sa kapangyarihan na bagkus na maging magandang ehemplo ay sila ng mga principal at teachers ay sila pang mga supervisor ang nagpapakita ng hindi magandang gawain na halos ay napagkakakitaan parin ang mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Hindi ba malinaw naman sa bawat estudyante na sumasama sa field trip ay P300 sa bisor, 170 sa principal, 50 sa teachers at 50 sa paaralan.

Iyan ay ilan lamang sa malinaw na pinagkakakitaan ang mga estudyante, kahit na sabihin nating hindi ito sapilitan na sumama ang estudyante sa field trip. Malinaw na mayroong kumikita buhat sa mga mahihirap na estudyante.

Abangan ang mga susunod na magaganap sa darating na ilang linggo o buwan sa DepEd Bulacan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here