Home Striker Pekeng TOR ng mga guro at principal, nakalulusot sa promotion!

Pekeng TOR ng mga guro at principal, nakalulusot sa promotion!

142
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

PAANO kaya naaatim ng ilang punong guro na sila pa ang nagiging daan para hikayatin ang ilang mga guro upang mag-aral umano sa isang paaralan sa Recto sa Maynila sa halagang P50,000 kapalit ng mga units na kahit hindi mag-aral. Hindi ba malinaw na bayaran ito?

Ang malupit diyan P5,000 ay maiiwan sa punong guro at P45,000 ang mapupunta sa kausap ng punong guro.

Hindi kaya alam ng mga tag-DepEd Division Bulacan ang ganitong kabigat na problema? At kung sakaling may alam silang ganitong mga kaso ng fake na Transcript of Records ng mga guro sa buong bulacan ay dapat na magsagawa agad ng malalim na imbestigaston ang buong kagawaran.

Hindi gawang biro ang ganito, mga guro pa ang bumili ng kanilang Transcrip of Records sa Recto para lamang magkaroon sila ng promotion sa paaralang kanilang pinapasukan. Aba! Malinaw na isang malaking kabuktutan ang ganitong maling gawain ng isang guro at punong guro.

Hindi ba ang mga guro ang maging magandang halimbawa ng mga estudyante na maging tapat sa kanilang propesyon bilang guro at pangalawang ina sa paaralan. Dahil kinabukasan ng bawat mag aaral ang nakasalalay sa mga guro habang ang bawat bata ay nasa kanyang classroom.

Ilang porsiyento na mga guro sa buong bansa ang may ganitong fake na Transcrip of Record? Kaya nananawagan tayo kay Secretary Leonor Briones, na sana ay mabigyan pansin ang ganitong problema ng fake na Transcrip of Records ng ilang guro at punong guro sa buong bansa.

Dahil kung magpapatuloy na makapagtuturo sa pampublikong paaralan ang mga guro at punong guro na peke ang gamit nilang Trascript of Records ay un-fair sa mga guro na nagsunog ng kilay sa pag-aaral para makamit ang ligal na transcript of records. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here