Home Top Story ‘Pergalan’ sa Brgy. Sto. Nino, Meycauayan, patuloy ang pamamayagpag!

‘Pergalan’ sa Brgy. Sto. Nino, Meycauayan, patuloy ang pamamayagpag!

84
0
SHARE

TILA yata binale-wala at nagtetengang-kawali ang Meycauayan police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Bernardo Pagaduan sa inihaing reklamo sa inyong lingkod hinggil sa isang Carnival cum “Pergalan” na mamatagpuan sa Brgy. Sto. Nino.

Kung inyong nabasa ang nakaraang artikulo ng Tuldok, tinutukan ko ang inirereklamong iligal na pasugalan sa loob ng Carnival diyan sa nasabing barangay ng mga kababaihan ng lungsod ng Meycauayan.

Ito yung malaking carnival na may mga lamesa ng “color games” at “drop ball” sa loob na dinudumog na rin pati ng mga kabataan.

Sir Pagaduan, bakit daw gabi-gabi ay umiikot ang isang patrol car mo at humihinto sa tapat ng mismong pergalan at waring may hinihintay.

Aalis lang ang patrol car makaraang lapitan ng isang alyas Popoy na siyang nangangasiwa sa mga intelihensiya.

Hindi rin naman hinuhuli ng inyong mga tauhan ang mga iligal na pasugalan sa loob ng naturang pergalan.

Ang taong ko lang sir, bakit ang Hagonoy police ay may hinuling 5 katao na operator ng pergalan sa Brgy. Abulalas sa naturang bayan nu’ng Jan. 12.

Kayo Col. Pagaduan, hindi n’yo ba kayang manghuli ng mga operator ng iligal na sugal sa loob ng inirereklamong carnival sa Brgy. Sto. Nino tulad ng ginawa ng Hagonoy police? O sadyang malaki ang ‘tongpats’ sa inyo kaya hindi ninyo kayang sampolan?

Sir, galaw galaw at baka hindi ka magtagal sa upuan mo kung ganyan na binabale-wala mo ang mga reklamong ipinararating sa inyo.

Siguro panahon na para kalampagin natin ang opisina ng magiting na Provincial Director ng Bulacan na si Col. Emma M. Libunao.

Mam, matagal na tayong magkakilala at alam ko po na hindi ninyo babale-walain ang mga ganitong klaseng reklamo. At hindi ninyo kukusintihin ang ganitong klaseng pulis.

Sir Pagaduan, pakitandaan po na nakasaad sa R.A. 1602 o ang Anti-Illegal Gambling Act na sino mang lingkod bayan na magsasawalang-kibo, magpapahintulot, o mag­kukunsinte sa nasabing mga ganitong uri ng sugal ay maaaring masampahan ng kasong administratibo.

Babantayan ko po ang inyong aksyon sir, hanggang ang usapin na ito ay tuluyang matuldukan.

Para sa inyong mga sumbong, hinaing at reklamo na gusto ninyong TULDOKAN ng inyong lingkod, tumawag o mag-text sa numerong 0915 691 2704. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleSM Bulacan malls celebrate the year of the mouse with Disney’s Mickey
Next articleJulia Barretto in-unfollow sina Joshua at Janella
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here