Home Ok Ka Lang ‘Persona non grata’ para sa transgender na nambaboy ng Lupang Hinirang

‘Persona non grata’ para sa transgender na nambaboy ng Lupang Hinirang

328
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

GRABENG pambabastos ang ginawa nitong isang transgender na naka-base sa ibang bansa sa ating pambansang awit na Lupang Hinirang.

Ang matitinong mamamayan ng ating bansa ay todo ang ginagawang pagpapahalaga sa Pambansang Awit.

Kaya nga mahigpit na ipinag-utos na kapag tumutugtog na ang Pambansang Awit ay dapat na huminto ang lahat sa kanilang kung anuman ang kanilang mga ginagawa.

Kung naglalakad ay dapat ding huminto sa kanilang mga paglalakad gayundin ang mga sasakyan.

Ang mga naroon at sumasaksi sa flag ceremony ay sabay-sabay na inilalapat ang kanilang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng kanilang dibdib o sa tapat ng puso tanda ng paggalang at pagpapahalaga sa ating pambansang awit.

Pero itong hija de pu ********* na si Maria Sofia Sanchez na isang transgender at isa kunong London based model ay naging viral sa Facebook ng walang takot na ipinost ang grabeng pambabastos sa ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang.

Ang kahayupang ginawa ng baklitang ito ay ipinakita niyang habang nakasuot siya ng swimsuit na kulay pula at halos makita na ang kanyang kabuuan ay ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa may parte ng kanyang ari sa halip na sa kaliwang dibdib na siyang nararapat sana at nakaugalian na ng lahat ng mga may matitinong pag-iisip na mga Pilipino.

Isinagawa ng hinayupak na baklita ang ganung akto habang sinasabayan ng pagsayaw at pagkumpas ang ating Pambansang Awit.

Kaya naman talagang nag viral ng husto ang kabastusang ginawa ng haliparot.

Ayon sa mga impormasyong aking nakalap ay sumikat ang bruhang ito noong panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong PNoy matapos na ialay o i-dedicate nito ang kanyang mga ipinost sa FB na “para sa ekonomiya”, “PAK” at “tuloy ang modeling”.

Mahahalatang lasing sa alak o sa droga ang sinalipak ng isagawa ni Sofia ang walang katulad na pambabastos sa ating Pambansang Awit.

Tapos ang kapal ng mukha na muling nagpost at nagkomento ng “MALIIT NA BAGAY LANG YONG GINAWA KO. HUWAG N’YO NG PALAKIHIN DAHIL GINAWA KO LANG YON JUST FOR FUN”!

Ayon sa mga netizen na nakasaksi sa ginawang pambabastos nitong si Sofia sa ating Pambansang Awit ay malaki raw ang iniluwag ng turnilyo ng utak nito at inakusahang baka adik.

Kaya naman gumawa agad ng aksiyon ang National Historical Commission o NHC sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang kahilingan kay Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Allan Peter Cayetano na kanselahin ang passport at alamin ang tunay na pagkatao ni Maria Sofia Sanchez.

Nabatid na ito palang si Sofia ay tubong-Cebu at unang napansin sa Facebook noong taong 2014.

Maaaring kaya walang takot na binaboy ni Sofia ang ating Pambansang Awit ay dahil sa gusto umanong nitong ipahiya ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kasi nga ay kilala umanong supporter ito ni Pnoy.

Malamang sa mahalukay na ang tunay na dahilan kung bakit biglang umentra at nagpapansin itong si Sofia.

Ang hindi lang alam at inisip nitong si Sofia na sa malaot madali ay malalaman din ang tunay na motibo nito sa kanyang kabastusang ginawa at kung sinu-sino ang mga taong sangkot at direktor ng krimen.

At maaaring kaya malakas ang loob nitong si Sofia na isagawa ang pambabastos sa ating Pambansang Awit ay dahil sa alam niyang mababa lamang halaga ng multa.

PENALTY SECTION 50 – Any person or judicial entity which violates any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than five thousand pesos ( P5,000.00 ) not more than twenty thousand pesos (P20,000.00 ) or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment at the discretion of the court! That for any second and additional offenses, both fine and imprisonment shall always be imposed.

Kahilingan at sigaw ng mga netizen ay bukod sa multa at pagkabilanggo ay marapat lamang umanong ideklarang “persona non grata” itong si Maria Sofia Sanchez.

Dahil sa grabeng pambabastos at panghihiya niya sa lahat ng mamamayang Pilipino, ay inaalisan naman siya ng karapatang muling makaapak at makauwi dito sa ating bansa.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here