Home Katropa Rumoronda Personal na hinarap ni Robes ang mga hinaing ng taumbayan

Personal na hinarap ni Robes ang mga hinaing ng taumbayan

32
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NITONG nakaraang araw matapos ang monday flag raising ceremony ay dumalo si Mayor Arthur Robes sa 2nd Quarter of 2019 Town Hall Meeting, isang programang may matapat at mabisang serbisyo sa mamamayan. Dito ay malalaman ng personal ni Mayor Robes ang mga hinaing mula sa kanyang nasasakupan, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat San Josenios na ipahayag ang kanilang mga hinaing at damdamin sa ikabubuti at ikauunlad ng kanilang buhay. Karagdagan pa ang maayos na serbisyo na may kalidad para sa taumbayan, na maaaring bigyan ng dagliang solusyon ng nasabing Alkalde.

Batay sa tala na ating nakalap, ito ay alinsunod sa Executive Order No.2 (Freedom of Information) na nagsasaad ang pagbubukas sa publiko ng mga talaan, dokumento at mga transaksiyon ng pamahalaan tungo sa matapat ay maayos na serbisyo sa bayan. Bukod sa “full disclosure policy” na itinadhana ng Department of Interior and Local Government, ay ipinagutos nito na ang bawat lokal na pamahalaan ay magsagawa ng Quarterly Town Hall Meeting.

Tsk! Tsk! Tsk! Si Mayor Arturo Robes, na nagsimula bilang SK Chairman, Kagawad ng Barangay, Konsehal ng Bayan, Vice Mayor, Congressman 3 termer at ngayon ay Mayor, ay subok na sa paglilingkod sa bayan, kaya nga ang nais niya ay may maiwan na pagbabago at kaunlaran sa buhay ng bawat San Josenios. Bagamat hindi natin ito nakakausap, hanggang batian lamang, ay dama natin ang kanyang senseridad sa panunungkulan at hindi niya ipahihiya ang pamilyang San Josenios.

Banggitin na din dito ang pagkilala kay Congw. Florida Robes, sa pagsasara ng 17th Congress, bunga ng kanyang malaking naitulong at maayos na serbisyo sa bayan. Upang makamtan ang mga adhikain ng mababang kapulungan. Mabuhay po!

*****

Dumalo nga pala si Mayor Robes, sa pagdiriwang ng ika-48th taong pagkakatatag o pagbibigay ng serbisyong medikal ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte, kasabay nito ang pagkilala sa mga empleyadong nagtrabaho ng higit sampung taon, at pormal na rin pinasinayanan ang bagong gawang Conference Area. Ika nga ni Robes, “patuloy ang pagbabagong nangyayari sa Ospital ng Lungsod dahil kung inyong makikita una nating binago ang imprastraktura, sumunod ang lakas paggawa, kasunod nito ay ang pagkumpleto ng medikal na kagamitan at higit sa lahat ang pagbabago ng ugali ng bawat kawani nito.”

Tsk! Tsk! Tsk! Hayan, bago na lahat, kompletong gamit para sa mga pasyente at ugali ng mga nagseserbisyo. Kapag may reklamo pa kayo sa mga ugali ng mga nagseserbisyo dyan ay ipaalam lamang sa Katropa, upang mabigyan ng aksyon.

*****

Siyanga pala nais ko lamang na ipaalala sa mga Senior Citizens na ang nangyari sa sikat na artistang si Eddie Garcia, na natalisod at nagkaroon ng problema sa leeg (neck fracture) ay posibleng mangyari din sa ating lahat, kung tayo ay hindi magiingat. Batid ng nakararami kung ano ang kinasapitan ng beteranong actor matapos ang pangyayari. Sa idad natin na malapit na sa hangganan ng buhay ay kinakailangan ang dagdag na pagiingat, sa paglalakad at pagkilos. Iwasan ang madudulas na daanan, upang hindi maaksidenteng madulas at bumagsak. Laging tandaan, hindi na tayo kasing tikas ng ating kabataan. Mamalagi na lamang sa isang ligtas na lugar at kung maaari ay lagiang may kasamang makatutulong sa oras ng pangangailangan.

Tsk! Tsk! Tsk! Si Garcia na ang tunay na pangalan, Eduardo Verchez Garcia, ay ipinanganak noong ika-5 ng Mayo, 1929, isang Aktor at Direktor sa pinilakang tabing. Naging Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director, kabilang sa FAMAS Hall of Fame.Naging kilala sa bansag na ‘Manoy.’ Mami-mis ka namin.

Narito ang aming email address: billones@ralo.org, Hanggang sa muli. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePagkusinting garapalan. Bayan kailan ka pa matatauhan?
Next articleSen. Villar groundbreaks Bulacan Cyberpark and Business District Project
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here