Home Showbiz Pia Wurtzbach game alang-alang sa kanyang showbiz career

Pia Wurtzbach game alang-alang sa kanyang showbiz career

502
0
SHARE

EXCITED ang former Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach habang nagpi-pictorial para sa movie nila ni Vice Ganda ang Metro Manila film entry nila na “Gandarrappido The Revengers Squad”.

Unang movie ni Pia kaya panay ang kuwento nito sa mga naging experience niya sa pagsu-shoot. Comedy-action movie kasi ang GTRS kung saan ang role niya ay isang superhero. Ayon kay Pia, naka-harness dahil isasabit siya habang nag-a-action.

Dahil balik-Kapamilya na rin siya kaya asahang madalas ng mapapanood si Pia sa Kapamilya Network. Nu’ng Monday (Oct. 9) ay nasa It’s Showtime siya. And if we’re not mistaken ay magiging co-host na rin ang former Miss Universe sa noontime show.

Aba, sa segment ng It’s Showtime na Cash-Ya ay kasama siya sa team Nadine (Lustre). Para makasiguro na makakapaglaro raw ang beauty queen ay pinalarga ni Vice ang team Nadine. Kasama si Pia sa pitong miyembro na nakadapa sa flatform (ang stage na tinutungtungan ng mga Q&A beauty contestant} na ang isa ay magpapagulong mula sa dulo papunta sa kabilang dulo ng hindi hahawak sa katawan ng kagrupo,

Game si Pia na siya ang gugulong ang siste nahulog agad siya sa una pa lang niyang pag-ikot ng kanyang katawan

Aniya sa interbyu: “I will be a co-host here for sure, and if they want me to do production numbers I’d be happy to do it.”

Ang dancer ng Hashtags na si Zeus Collins ay crush si Pia kaya naman panay ang tukso ni Vice sa kanya. Sabi pa ni Vice na still strong pa raw ang relasyon ng beauty queen sa boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Sabi nga ni Pia: “Kami pa! Okay naman kami, parang hindi naman din kasi kailangan lagi may pinopost online.”

Nang tanungin siya kung malapit na silang magse-settle down ni Marlon,

lahad niya: “Iba-iba kasi yan bilang babae, sa akin wala pa. In-eenjoy ko pa yung career ko yung pag-uwi ko dito sa Pilipinas, sa ABS-CBN, so ito muna ang focus ko ngayon.” pagtatapos na kwento ni Pia.

SHARE
Previous articleVice Ganda at Coco Martin may alitan?
Next articleSM CITY MARILAO GLITZ UP WITH FASHION MANIA
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here