Home Business Pilipinas at ilang bansa sa Asya, magpupulong hinggil sa pagpapalago ng industriyang...

Pilipinas at ilang bansa sa Asya, magpupulong hinggil sa pagpapalago ng industriyang pagkakalabaw sa bansa

362
0
SHARE

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ — Ngayong darating na Oktubre 26 at 27 ay idaraos sa lungsod agham ng Munoz ang pagpupulong ng mga kinatawan ng ilang bansa sa Asya na kakatulungin ng Pilipinas sa pagpapalago ng industriyang pagkakalabaw sa bansa at mga karatig nasyon.

Ito ay pangangasiwaan mismo ng Philippine Carabao Center o PCC sa kanilang Central Experiment Station sa lungsod katuwang ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture.

Ayon kay PCC Information Officer Ma. Cecilia Irang inaasang lalahok sa pagpupulong ang nasa 200 partisipante na binubuo ng mga pinuno ng iba’t ibang sektor mula sa pagsasaka, kooperatiba, lokal na pamahalaan, mga eksperto sa pagkakalabaw at marami pang iba.

Kanila aniyang masasaksihan rito ang paglalahad ng mga kaalaman, karanasan at pagtatagumpay ng mga bisitang tagapagsalita mula sa bansang India, Laos at Thailand gayundin ng mga kababayang umunlad ang pamumuhay at kinilala sa larangang pagkakalabaw.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang mga programa ng gobyernong nakasasakop sa mga nabanggit na bansa tulad ang National Dairy Development Board at Bureau of Animal Genetic Resources ng bansang India pati na ang kanilang mga  ginagamit na teknolohiya at mga kasanayan  sa pagsasaka.

Ayon pa sa tanggapan, ang dalawang araw na aktibidad ay isa sa mga istratehiyang nakapaloob sa National Carabao Development Program ng bansa na layong mapataas ang produksyon ng Kalabaw sa karne at gatasan, kasunod nito ang pagpapalago ng kabuhayan at kita ng mga kababayang magsasaka pati na ang pagkakaroon ng mura at sapat na pagkain para sa lahat.

Kaugnay ng programa ay magkakaroon din ng pagkakataong libutin at ikutin ng mga kalahok ang mga pasilidad ng PCC.

Magsisilbi namang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagbubukas ng programa sa Huwebes, Oktubre 26 si Senate Committee Chair on Agriculture and Food, Senator Cynthia Villar.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here