Pinay nagtapos ng summa cum laude sa America sa kabila ng pambubully

0
315
Ang nagtapos ng senior high na si Juliane Robert Marinas Ponce bilang summa cum laude sa West Anchorage High School sa Anchorage, Alaska, USA, nitong school year 2019-2020.

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Sa kabila ng pambubully, nakuhang makatapos ng senior high school ang isang Pinay na tubong Brgy. Balibago, Angeles City sa West Anchorage High School sa Anchorage, Alaska, USA nitong school year 2019-2020.

Nakamit din ni Juliane Robert Marinas Ponce ang pagiging isang summa cum laude sa katatapos na graduation.

Bagamat nakaranas ng bullying ay nagsikap ito at tinalo niya ang mga kaklaseng Amerikano.

Hindi na nagkaroon ng graduation rites sa halip ay recognition na lamang bilang pagtugon sa social distancing ang isinagawa ng nasabing eskwelahan.

Mayo noong 2017 ng mapunta si Juliane sa Alaska.

Sa naging panayam kay Ponce, ibinahagi nito ang pagkuha ng examination bago pumasok sa Grade 9 ngunit bukod sa pumasa ay nagawa nitong mag-top sa naturang pagsusulit.

Agad siyang na-accelerate at hindi na pinakuha pa ng Grade 9 bagkus Grade 10 agad siya.

Sinusukat sa examination ang english proficiency at dun din ilalagay sa proseso na babagay sa mga mag-aaral.

Anito, sa lockdown na nangyari dahil sa coronavirus ay naging on-line ang kanilang pag-aaral.

Binigyan ng kanilang eskwelahan ang mga walang laptop upang makapagpatuloy ng pagaaral.

Sobrang saya ang kaniyang mga magulang sa karangalang nakamit bukod sa pag-tatapos sa Senior High.

Malaking pasalamat niya sa kaniyang lola na nag-alaga sa kaniya ng siya ay bata pa at kung may pagkakataon ay nais niya itong madala sa America.

Mensahe niya sa sa mga kapwa kabataan sa ’Pinas na huwag alisin ang oportunidad na ma-educate lalo ngayon na may pandemic at mga political isyu.

Sa tingin niya ay dapat maalam ang mga kabataan lalo na sa isyu ng racism.

Kuwento naman ng kaniyang Lola Felicisima Ponce na siyang nag-alaga sa kaniya ay bata pa lamang ay masipag nang mag-aral ang apo.

Marami na rin na nakuhang award si Juliane sa pinasukan nito sa Angeles City Science High School.

May naikuwento rin ang apo sa kaniya na nakaranas ito ng bullying sa eskwelahan sa Alaska at pinayuhan niya ito na huwag ng pansinin iyon at magsikap na makatapos ng pag-aaral.

Proud din ang kaniyang ama na si Jay Ponce na sa Baguio City nakatira kahit nakaranas ng pambubully ay nakapagtapos ng high school at summa cum laude pa ang kanyang anak.

Sabi niya sa anak na itaguyod ang watawat ng Pilipinas sa America at susuporta sila sa kahit anong nais nitong kurso. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here