Home National News Pinoy nabawian ng panalo patungo sa finals ng larong arnis sa SEAG

Pinoy nabawian ng panalo patungo sa finals ng larong arnis sa SEAG

86
0
SHARE
Ang pambato ng Pinoy sa larong arnis na si Eza Rai Yalong na binawian ng panalo patungo sa finals ng lnaturang aro sa SEAG. (Mga kuha ni Jose Erwin Bunag)

ANGELES CITY — Nabawian ng panalo ang Pinoy paakyat ng finals sa larong Arnis sa Womens Lightweight Division ng 30th SEA Games sa Angeles University Foundation, Linggo, Disyembre 1, 2019.

Naglaban sina Eza Rai Yalong ng Pilipinas at Veannsonita Si ng Cambodia at naunang naideklarang panalo ang Pilipinas papasok ng finals.

Ngunit nagprotesta ang Cambodia at nabawi ang panalo ng Pinoy matapos na i-review ang video ng laban kung saan umano nakitang talagang liyamado ang dayuhan.

Ayon kay Sen Migz Zubiri, President, National Sport Association at Presidente ng Philippine Eskrima Kali Arnis, nagprotesta ang Cambodia at kailangang i-review ang laban nito at napatunayan naman sa slow-motion ng laro na dehado ang Pinoy sa laban.

Sabi pa ni Zubiri na kapag may protesta ay talagang rere-viewhin ang fights sa slow motion.

Kaya nung na-review ng jury ang video ay unanimous ang naging desisyon na panalo nga ang manlalaro ng Cambodia.

Aniya, sa kanyang pananaw ay valid ang pagpoprotesta ng Cambodia at bilang isang host country dapat ay maging patas ang labanan.

Ayon pa kay Zubiri, gaya natin ay masaya naghirap din ang mga ito sa training ng at pumunta dito sa bansa.

Ayaw din naman niyang sabihin ng ibang atleta na lutong makaw ang Pilipinas.

Ayon sa Senador, na mahalaga ang sportsmanship kayat kapag talo ay talo at kung panalo ay panalo at sa kasong ito ay nanalo nga ang Cambodia. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here