Home People & Community Pinoy nurse, kinilala bilang UK’s Nurse of the Year

Pinoy nurse, kinilala bilang UK’s Nurse of the Year

69
0
SHARE
Imahe mula sa Facebook page ng The Filipino

ISANG Filipino nurse ang binigyang parangal ng 2018 Barchester Care Awards sa United Kingdom (UK) bilang Nurse of the Year dahil sa ipinamalas niyang husay sa pagbibigay ng magandang pangangalaga sa mga pasyente kamakailan.

Imahe mula sa Facebook page ng The Filipino

Ang 44-anyos na si Ridel Francisco, unit manager sa Lynde House, isang private care home sa Richmond sa England, ay napili mula sa 1,500 nominadong nurses sa buong UK.

Tubong Nueva Ecija si Ridel at anak ng mga magsasaka. Kwento niya, napagtapos siya sa kursong Nursing dahil sa pagtitiyaga ng kanyang mga magulang sa pagtatanim ng sibuyas.

“Magsisibuyas kami. ‘Yun ang pangunahin naming hanapbuhay doon. I came from farming as well. Nagtatanim ako ng sibuyas, palay at nagsikap ang magulang ko na mapagtapos ako as a nurse,” ani Ridel na masayang-masaya sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang isang nurse.

Ang natanggap na award ay inihandog niya sa kanyang pamilya at sa bansang Pilipinas. Aniya, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging Filipino.

“I’m very proud being a Filipino. Una sa UK, maraming Filipino nurses at nai-represent ko ang hard work at dedication ng mga Filipino, which is very known na mahuhusay na nurses sa UK at sa iba pang bansa,” sabi ni Ridel na labingtatlong taon na ang inilalagi sa UK.

Bukod sa pagiging ulirang asawa at ama ng tatlong anak, inako na rin niya ang pagpapa-aral sa tatlo niyang kapatid na ang dalawa ay mga guro na at ang ikatlo ay sumunod sa kanyang mga yapak bilang nurse.

Payo niya sa mga nagnanais rin na maabot ang tagumpay tulad ng nakamit niya ay ang magsumikap.

“Ang kahirapan ay ‘di hadlang para maabot mo ang ganitong antas ng pamumuhay. Hindi rin lang matataas na paaralan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Basta graduate ka at may pagsisisikap ka, may pangarap ka sa buhay, maaabot mo,” ani Ridel.

Source: ABS-CBN, Wow Pinoy Channel, Info Nurses

SHARE
Previous article2 killed, 10 nabbed on 1st day of Comelec checkpoint in Bulacan
Next articleJealousy is a form of hatred built upon insecurity
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here