Home Showbiz ‘Pinoy Wonder Woman’ crush si Derrick!

‘Pinoy Wonder Woman’ crush si Derrick!

66
0
SHARE

KASAMA sa cast ng seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang GMA Artist Center new talent na si Ameera Johara. Ginagampanan niya sa seryeng pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi ang role bilang best friend ni Jackie Rice.

Paano ba siya nakapasok sa showbiz?

“Dati ko pang gustong mag-artista kaya lang wala pa akong confidence noon. May friend po kami na direktor, tinesting lang kung kaya ko, look test, ganyan. Pero eversince I have a thirst talaga po for acting na.

“Hindi na ako tumigil, nag-workshop agad ako. Naghanap ako ng mga tao para makatulong sa akin. Tapos nag-cosplay din po muna ako. Do’n nila ako nakilala as Wonder Woman,” kuwento ni Ameera sa amin.

Ayon pa sa 16-year-old newcomer, malaki talaga ang naitulong sa kanya ng pagko-cosplay lalo na nung naglabasan ang mga photos niya wearing the Wonder Woman costume.

Binisita namin ang kanyang Facebook account at nakakagulat na talagang medyo kahawig siya ni Gal Gadot na gumanap na pinakabagong Wonder Woman.

Bukod sa pag-arte at pagko-cosplay ay mahilig din sa mga charity works si Ameera. Paano ba ito nag-start?

“Meron po kasing foundation na ang panga-lan ay Superhero Friends and then nung nakita nila ako as Wonder Woman they invited me to participate sa charity nila. Tapos nagustuhan ko na po yung feeling, yung ngiti ng mga bata, I was 14 then, tapos tuluy-tuloy na,” sambit niya.

Nu’ng July 1 ay nagsi-mula ng feeding program si Ameera sa Tondo at gagawin niya ito for 16 days dahil nga 16 years old na siya on July 18.

Walang boyfriend ang dalaga na interesado ring sumali sa beauty pageant kapag nasa wastong edad na siya. Pero inamin niyang crush niya si Derrick Monasterio.

“Crush lang naman po,” kinikilig niyang pag-amin.

Bantay-sarado rin siya ng mommy niyang si Rose na kasa-kasama niya araw-araw sa kanyang tapings at iba pang showbiz commitments. Para sa dalaga, okey na magka-roon ng isang stage mother na kagaya ng mom niya dahil alam niyang mapo-protektahan siya.

“Okey lang po ’yon. Kasi alam ko naman po na hinding-hindi niya ako ipapahamak,” sabi pa ni Ameera na ikinagiti naman ng mommy niya na kasama din niya during our interview.

Well, happy birthday Ameera, and may all your dreams come true.

Source: journal.com.ph

SHARE
Previous articlePolice nab suspect in the killing of commentator Joaquin Briones
Next articleBulacan nips Bacoor in MPBL thriller, 77-76
Team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multi media press centers are active nowadays. The people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern news agency whose products include newsfeeds, websites, and social networking and it is entitle RONDA Balita, Online Pahayagan ng Masang Intelihente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here