Home El Tirador PIO ng DILG tila mangmang sa nilalaman ng AO No. 1

PIO ng DILG tila mangmang sa nilalaman ng AO No. 1

238
0
SHARE
An opinion column of Roberto Illut

MISTULANG natulog sa “PANSITAN” itong si Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge (OIC) Eduardo Año at ang Public Information Office (PIO) officer nito na si Tess Vergara na kakatuwang isipin na wala silang alam hinggil sa mga nilalaman ng Administrative Order (AO) No. 1 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Oktubre 11, 2016.

Matatandaan kasi sa pulong-balitaan sa Malakanyang noong Oktubre 7, 2016 na sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinirmahan ng Punong Ehekutibo ang naturang AO na nag-atas na maglikha ng isang Presidential Task Force na magtataguyod at
magpoprotekta sa mga karapatan at seguridad ng mga mamamahayag.

Aniya, ang nasabing AO ay ibinase sa Saligang Batas ng Pilipinas at maging sa International treaties ukol sa mga karapatang-pantao, alinsunod sa Universal Declaration of Human Rights.

Ang mga tratadong pinirmahan ng ating bansa bilang partido sa mga kasunduan na may kinalaman sa human rights ay kinilala umano ng rehimeng Duterte.

Batay pa sa nakasaad sa naturang AO na binasa ni Andanar, “No one shall be arbitrarily deprived of life and that no one should be subjected to torture or cruel, inhuman or degrading treatment,” bilang pagkilala sa karapatan sa buhay, malayang pamamahayag at iba pang mga batayang karapatang-pantao.

Palaisipan at nakakatuwa ring inyong malaman aming mga kababayan na kabilang pala itong pamunuan ng DILG sa pitong mga kagawaran o ahensiya ng gobyerno na bumubuo ng nabanggit na task force upang matiyak ang pagpapatupad ng komprehensibo at magkakaugnay na pagkilos upang protektahan at itaguyod ang mga karapang-pantao ng mga mamamahayag.

Ang task force ay binubuo ng: Department of Justice-chair, Presidential Communications Office-co-chair, DILG, Department of National Defense, Solicitor General, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Pero, ano itong nangyari? Ha? Bakit ginigipit ng DILG-PIO ang mga kagawad ng DILG-NAPOLCOM Press Club (DNPC) kung saan walang kaabug-abog ay pansamantala lang naman daw ipinasara ang media center ng nasabing grupo ng mga mamamahayag na nasa ika-9 na palapag ng gusali ng DILG sa Quezon City, alinsunod daw sa utos nitong si OIC Año base sa memorandum na ipinalabas nitong nakaraang Abril 25, 2018 na sabi raw nitong si Vergara ’eh, executor ASAP na ang kanilang alibi ay kuwestyunable raw kung sino talaga ang lehitimong grupo ng media sa pagitan ng DILG Press Corps at DNPC.

Dahil sa pambabastos sa hanay ng mga mamamahayag ang nabanggit na hakbang ng DILG-PIO ay muntikan nang hindi matuloy ang nakatakdang media forum ng DNPC na ang guest panelist ay si Bangsamoro Transition Commision Chairman Ghazali Jaafar at mga kasamahan nitong Commissioner, gayung regular na idinaraos tuwing Huwebes sa nasabing media center ang pulong.

Nakayayamot na gunitain na hinarang ng security force ng naturang gusali ang mga mamamahayag na nais dumalo sa talakayan subalit mabuti na lamang at malaking pasasalamat ng aming samahan na pumayag itong si Barangay Affairs DILG USEC, Martin Diño na idaos ang ang naturang pulong balitaan sa opisina nito.

Kung gayun, ano kaya ang makabuluhang aksiyon na gagawin ng tanggapan ng Presidential Communications ukol dito at ang paghamon na panawagan ay inyong patunayan na totoo ang mga litanya sa Administrative Order (AO) No. 1 na nilagdaan pa naman ni Pangulong Duterte. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here